Song: I like me better
Chloe's POV
Hinila ko si Hally sa isang sulok at sinipat ang paligid. Ramdam ko ang takot niya at nakahawak pa siya sa akin. Nagtatakbuhan na ang mga tao. Kailangan kong masiguro muna ang kaligtasan niya.
"Halika. Bilis! Nandoon si Drake." Hinila ko na siya at patakbo na kaming papunta kung saan ko iniwan si Drake.
Sa dami ng taong nagtatakbuhan, buti at malaking tao si Drake kaya kita ko kaagad siya. Pagkakita namin sa kaniya ay siya namang yakap kaagad ni Hally.
"Anong nangyayari?" tanong ni Drake.
"Hindi ko alam. Umalis na kayo! Dalhin mo na siya sa malayo dito! Sige na!"
"Ha? Ikaw? Paano ka? Sumama ka na!"
"Hindi, hindi! May kasamahan pa ako, kailangan kong malamang ligtas din siya. Sige na alis na bilis!!!"
"Hindi! Hindi pwede! Hindi kita iiwan! Halika na!" Hinila niya ako nang kanang kamay niya habang sa kaliwa niya ay hawak niya si Hally. At kinakaladkad na niya akong nagsisimula nang maglakad.
Tinanggal ko ang kamay niya. "I'm sorry. Kailangan kong bumalik. Sige na umalis na kayo!"
"Drake halika na bilis! Parang nahihirapan akong huminga!" Humahawak pa siya sa dibdib niya.
Tinignan ko si Hally at bumalik ang tingin kay Drake na hindi naaalis sa akin ang tingin. "Dalhin mo na siya sa ospital, madali! Bilis! Ayos lang ako. Mag iingat ako. Pangako!!"
Nakatingin si Drake sa akin na parang nawawalan na nang pag asang mapapayag niya ako, tinanguan ko na lang siya, bahagyang ngumiti at umalis na.
Sinuot ko kaagad ang headset ko. Nag ayos ng ilang gamit ko na nasa bag ko. May dalawang pamalong gawa sa bakal akong nadala, buti na lang.
"Boss... Boss.." walang sumasagot. "PF (si Daisy) and BT (si Leone) status please."
"RD nasa counter ako ngayon. Mukhang mga tao ni Agma. Tayo ang rabbit." Si Leone
"F@ck! Hindi sumsagot si boss. Tsk!" Sabi ko.
"Nasa 2nd Floor ako. Na clear ko na ang area dito. Papunta na ako sa area mo BT! RD ikaw na ang maglead!"
Huminga muna ako. Huwag sana akong mamali.
"Ok. BT and PF make sure na safe ang civilians. Paalisin na muna lahat ng tao sa fastfood please. For sure may papunta ng mga pulis. May casualties ba?"
"Mayroon RD."
"Approaching entrance BT, stay safe guys!"
Tinignan ko muna ang loob ng fastfood.
BANG!
May nagpaputok sa gawi ko. Napaupo ako.
"Kung sino man kayung mga hayup kayo tigilan niyo na ito!!!" sigaw ko.
Ilang putok pa ang pumailanlang malapit sa lugar ko.
Napadapa na ako.
'Shit! Hindi ko ma estimate ilan ang kalaban.'
"PF, BT status please!!"
"May mga targets na dito sa 2nd Floor RD. Nakatago ako sa CR." si Daisy
"May mga kasamahan na tayo papunta sa area." Si Leone
"Gawin na natin ito guys. Bawal may masaktan sa atin tatlo, masasaktan kayo sa akin! Good luck! "
Nang biglang may mga yabag akong naramdaman papalapit sa akin. Hinanda ko ang sarili ko sa pakikipaglaban. At hindi ako nagkamali, 5 armadong kalalakihan.
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...