Chapter Thirty Seven

209 7 4
                                    

A/N: May nagpapa shoutout, ano ito vlog? Hahaha.. Hi Ira Mae and Princess, ayan na mention ko kayo ha. Heto na request niyo mga bakla kayo.

Warning: Magready ng pamunas. Either maiyak kayo o matae kayo. Hahaha. Enjoy reading.

Chloe's POV

Dalawang buwan na ang nakaraan, nag umpisa na rin akong mag review para sa board exam ko. Naghanap din ako ng fastfood na mapapasukan pansamantala, kaya kapag libre ay doon ako nagtatrabaho. Bukod sa sumasahod na ako ay nalilibang din ako. Hindi ako dapat mabakante dahil paniguradong mag iisip lang ako at kalaunan ay iiyak. At manaka naka din akong pinapatawag ng don para tumulong sa grupo namin dito sa Maynila. Kaya walang libreng sandali para mag isip. Pero alam ko sa sarili ko na may namimiss ako. May tao akong gustong makita. Taong gusto kong makasama.

At ngayon ay kasama ko si Ms. Ira Mae Tap, isang Expert Lecturer pagdating sa Maternal Nursing. Isa rin siyang Faculty member ng FEU at marami na rin siyang achievements at sobrang galing niya. Nasa isang kilalang restaurant kami para magdinner ngayon dahil tapos na ang lecture niya at nag aya siya para na rin ibigay ang ilan niyang mga gamit sa akin at para na din kahit papaano ay i coach ako. Siya ang taong tumulong sa akin para makapagreview sa Merge Review Center. Kilala siya ni naynay at kinausap para mapasok ako sa review center nila. At pinaunlakan niya iyon ng libre. Oo, nilibre niya ang bayad ko sa review center. Sobrang nakakahiya dahil ang plano ko ay mag self-study na lang. Pero dahil binigyan ako ng pagkakataong makapag aral, kaya tinanggap ko na at sana ay hindi ko siya mabigo.

"Andami naman po nito Ms. Ira," tinignan ko ang mga paper bags na binigay niya sa akin na puno ng mga damit at kung anu ano pa.

"Naku, hindi ko na rin nasusuot at ginagamit ang mga iyan," sabi niya sabay kain sa inorder niyang spaghetti.

"Pero mukha pang bago ang mga ito," usisa ko.

"Chloe, tanggapin mo na. Sabi mo hindi ka naman maselan diba? Hindi naman sa kung ano, pero napapansin ko kasing hindi ka masyadong nag aayos." Saka niya ako nginitian.

"Nakatulong na po kayo sa akin ng sobra Ma'am Ira , hindi na kailangan mag abala kayo ng ganito." Pagpupumilit ko.

"Hay naku! Sige na! Suotin mo ngayon ang isa diyan, dali na. Atsaka huwag mo kong tawagin Ma'am. Ate na lang kapag nasa labas tayo at tayo lang." Pumunta siya sa akin at kinuha ang isang dress. "Eto, isukat mo dali. Tignan natin kung magkasukat tayo ng katawan. Kung kasing sexy mo ako dali. Hahaha."

Nginitian ko siya, "sige na nga po. Kayo talaga, pinaglalaruan niyo ako."

"Sige na."

At siyang lakad ko papunta sa CR. Tinignan ko muna ang suot kong tshirt at pants. Kaya siguro niya ako binigyan nito, naaawa siya sa akin. Napailing na lang ako at tinignan ang hawak kong dress. Isa iyong maong dress na may inner na blue sando. Sinuot ko na ang dress at nagulat ako paglabas dahil nandoon si Ms. Ira.

 Ira

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon