Chapter Ten

275 11 0
                                    

Song: Pag ibig Nga Kaya- Rachelle Ann Go and Christian Bautista

Chloe's POV

"Anak, may nangyari tama?" Matagal na pala akong nakatingin sa kawalan. Nasa bintana ako ng bahay namin, nakaligo at nakapalit na ng pambahay. Nakatulog na rin ang ate Emma.

Kilalang kilala talaga ako ng naynay ko. Wala akong matatago sa kanya.

Hindi lingid sa kanya ang pagsama ko sa organisasyon at sa lahat ng ginagawa ko. Pero hindi ko sinasabi ang tungkol sa pagiging Suma Cum Laude ko. Susurpresahin ko sana siya.

"Kung ayaw mo na, magsabi ka sa akin anak. May mga paraan pa."

Umiling ako.

"Hindi nay. Lalaban ako. Napapagod lang ako. Iyon lang 'nay." At niyakap ko na siya.

"Napakatapang mo anak. Wala akong kilalang mas matapang pa sa iyo. Mula pagkabata mo, dala mo iyan. Tinuturuan ka pa lang ng taytay mo, alam ko na lalaki kang malakas. Pero baka masyado mo na kaming iniisip at nakakalimutan mo na ang sarili mo anak."

Ngumiti ako at hinarap siya.

"Nay, kaya ko ang sarili ko. Wala namang hindi kakayanin, hindi ba? Magtiwala lang kayo sa akin. Sagot ko kayo ni ate Emma." Kinindatan ko pa siya.

"Ikaw talaga. Ikaw ang nahihirapan pero ako pa itong pinapalakas mo. Basta magsabi ka kaagad kung ayaw mo na. Pwede naman tayong mabuhay ng simple lang anak. Ha? Magsabi ka ha."

"Opo 'nay gagawin ko iyan mga after 100 years siguro. Iyong uugud ugod na tayong pareho. Hahaha."

"Maloko ka pa rin."

Nagtawanan kami.

"Nga pala 'nay. Bukas dating gawi. Pinapatawag na naman po kayo."

"Ulit? Ano na naman ang ginawa ng mahal kong anak? Matagal na iyong huli ah."

Maunawain ang nanay ko. Alam niya ang lahat ng galawan dahil kilala niya din ang Don Gener.

"Nay wala kang sasabihing iba ha. Please."

"Ano pa nga ba. Hala at magpahinga ka na."

"Maaga ako aalis bukas nay."

"May duty ka?"

"Suspended pa po ako. Puntahan ko po si boss."

Huminga siya ng malalim at tinignan ako.

"Mag iingat ka lagi anak. Kung ako lang ang masusunod, nagpakalayo na tayo at nabuhay ng tahimik at simple. Pero dahil hindi mo mabitiw bitiwan iyang pangako mo sa taytay mo, kaya sinusuportahan kita."

"Mag iingat ako nay. Kakayanin ko po ito , maniwala ka. Malakas ata 'tong anak mo." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko.

Nagtawanan na kami pareho. Hinalikan ko si naynay sa pisngi at umalis na siya.

Naiwan ako ulit sa kwarto at tumingin ulit sa buwan at mga bituin.

'Chloe kaya mo iyan! Kakayanin mo. At dapat kayanin mo.'

Naisip ko bigla ang mga nangyari ngayong araw.

Si Apol. Hindi siya pwedeng madamay sa gulo na ito. Kailangan kong planuhing mabuti para huwag siyang madawit sa gulo. At sana hindi na niya ulit pagtangkaan ang buhay niya.

'Apol, babalik tayo sa dati pangako. Aayusin ko lang ang buhay ko. Hintayin mo ko kaibigan.'

Si Ethan. Ngayong nasabi ko na sa kaniya ang tungkol sa trabaho ko, kailangan ko rin siyang ingatan. Sana hindi na niya ipilit ang pakikipaglapit sa akin.

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon