Chapter Forty Nine

185 6 2
                                    

A/N: Short updates lang. May kasunod kaagad po ito. Baka lang maurat kayo sa music kineme at baka hindi familiar ang mga songs na pinili ko. Try niyo lang i appreciate iyong lyrics.  Ok? :)

Drake's POV

"Dad.. Bakit mo kami iniwan? Dad!" Pighating sigaw ng daddy sa puntod ng lolo. Limang araw na ng inatake sa puso ang lolo habang nasa korte at dinidinig ang kaso na kinakaharap ng kumpanya namin. Pabagsak ng pabagsak ang itinayo at pinaghirapan niyang kumpanya. Na ultimo halos lahat na ng assets ng kumpanya ay napagbili at naibenta na. Marami na ring stockholders ang nag pull out at nagbenta ng shares nila. Ang isang nakikita na lang na solusyon ay ang ibenta..

"Dad, hindi namin kaya ng wala ka! Dad! Dad!" Sigaw naman ng mommy habang umiiyak.

Unti unti nang binababa ang puntod ng lolo. Nasa tabi ko ngayon si Ethan na umuwi muna galing Amerika at  siya ay tahimik na umiiyak.

My lolo is our anchor. Siya lang kinakapitan ng pamilya namin kaya maalwal kaming nabubuhay. Paano na kaya ngayon? Ang share na lang namin ni Ethan ang natitirang hindi pa napagbibili. Ilang branches na lang ang bukas at halos magsara na rin dahil sa iskandalo at pagkadispalkong nangyari sa amin.

"Dad, 'my, halika na. Kailangan niyo nang magpahinga.." sambit ko.

"May taong nagplano nito anak! Ang pagbagsak natin, ang pagkasira natin, planado ito! Iyon ang bagay na aalamin ko," galit na pahayag ni daddy habang umiiyak.

Nanatili akong matatag para sa kanila, "tama na dad. Hayaan na natin. Naka schedule na kayong pumunta ng Amerika sa susunod na linggo. Kailangan niyong magpahinga. Kasama niyong aalis si Ethan."

"Pero ikaw kuya?" tanong ni Ethan.

"Ayos lang ako. Employed pa naman ako at kakayanin pa ng sahod ko ang itaguyod ang pag aaral mo. Nag usap na kami ni dad na susubukang nating magsimula ulit sa ibang bansa at magtaguyod ng kahit maliit na negosyo. Hindi na siguro konektado sa mga gamot. Subok tayo ng iba," paliwanag ko at tinapik ang balikat niya.

"Kung tumigil na muna ako mag aral? Tutulungan muna kita."

"Tumigil ka! Kaya ko!"

"I'm sorry kuya, hindi pa kita matulungan ngayon," nanlulumo niyang pahayag.

"Ayos lang. Kapag hindi pa naging maganda ang kakahinatnan ng merging ng bagong bumili ng kumpanya, baka sumunod na ako sa inyo doon. Huwag ka na masyadong mag alala at makakaraos din tayo." At ginulo ko na lang ang buhok niya. Unti unti ng umaalis ang mga nakipaglibing. At sa huling sulyap ay tinignan ko ang pinaglibingan ng lolo.

"Lo I'm sorry, hindi ko nasolusyunan ang problema ng kumpanya natin. Pero pangako, balang araw, magiging proud ka rin sa akin. Pangako, hindi ako susuko! Gaya mo, pipilitin kong maging matagumpay sa larangang ito. Pangako," iyon lang at sumunod na ako sa sasakyan na pag aari ng kumpanya. Pati dati kong sasakyan ay naibenta ko na para lang makatulong sa utang ng kumpanya. Tanging bahay ko na lang at bahay namin ang hindi pa naibebenta.

Bagsak ang balikat na umuwi at 'nung nasiguro kong nagpapahinga na rin sina mommy at daddy ay siyang punta ko sa kwarto ko. Hindi ko naiwasang mag isip. Isang tao ang pumasok sa isip ko. Anim na buwan na 'nung huli kaming magkita. Kumusta na kaya siya? Alam niya kaya ang nangyayari sa akin?

'Namimiss na kita Chloe. Kung kasama kita, baka mas naging magaan ang pagharap ko sa lahat ng ito. Lagi mong pinalalakas ang loob ko. Lagi mong sinasabing kaya ko at pangako, kakayanin ko.'

Lumuluha akong di namalayang nakatulog na. Nagising ako sa pagyugyog sa akin.

"Kuya, andyan si Hally sa baba. May usapan daw kayong aalis ngayon," tinignan ko ang oras at mag aalas siyete na pala.

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon