Chapter Seven

293 9 5
                                    

Song: Hanggang Kailan-Michael Pangilinan

Drake POV

"Anak... Drake... Naririnig mo ba ako? Ok ka lang ba ha?"

Narinig kong daing ng nasa tabi ko. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at sinusubukang alalahanin kung anong nangyari. At nang maalala ko na, bigla akong bumangon. Nagtaka akong may nakakabit na oxygen at IV line sa akin.

"Mommy??? Bakit ikaw ang nandito??" taka kong tanong. Hinanap ko si Chloe sa paligid.

'Wala siya!'

Nanlulumo ako. Parang nahihirapan ako ngayong alam kong wala siya sa tabi ko.

"Anak ok ka lang ba?? Anong nararamdaman mo?? May masakit ba sa iyo? Baka nabagok ka anak..."

"Ok lang ako Mommy."

Nagtataka pa rin ako at sinusubukang mag isip.

"Nag aalala ako Drake... Ano ba nangyari sa iyo?? Ang sabi nila dito dinala ka daw ng concerned citizen dahil nawalan ka daw ng malay sa daan. "

Nagtataka pa rin ako.

'Nasaan si Chloe? Bakit hindi niya sinabi ang totoo? Ano na naman ito?'

Humiga ako lang ako ulit at pumikit na lang muna.

"Yung concerned citizen na sinabi mo , nakita mo po ba my?" (A/N: pronounce as 'mi) Tumingin ako sa kanya at nagtataka.

"Hindi anak. Sana nga hinintay niya ako at makapagpasalamat sa kaniya. At makapagbigay ng pabuya. Aba! Kung 'di dahil sa kaniya baka ano na nangyari sa 'yo."

Napapikit ako.

'Bakit ka umalis?'

Hindi man sabihin pero alam kong nalulungkot ako. At tama ba, nasasaktan ako na umalis siya? Parang may kung ano sa puso ko na humihiling na sana nandito siya.

Nung hinawakan niya ang kamay ko, iba ang naramdaman ko.

'Drake ano ba si Chloe 'yun. Hindi ka dapat nakakaramdam ng ganyan.'

Huminga ko ng malalim at sinubukang pumikit.

"Drake anak ayos ka lang, nahihilo ka ba? Sabi ng doctor kailangan ka munang I admit. At talagang hindi ako papayag na hindi ka matignan ng mabuti. Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ka naglalakad at may sasakyan ka naman?"

"My, nasaan si Ethan?"

"Nasa bahay anak. Nauna na ko dahil malapit ako sa area dito nung may tumawag. Papunta na siguro 'yun. Ewan ko ba doon, 'nung umuwi parang lutang. Ayaw makipag usap tapos nakasimangot. Hay naku!"

"Magandang gabi Ma'am Sir. Dadalhin na po namin si Sir sa kwarto niya po." sabi ng isang nurse.

"Sige sige. Ingatan niyo ha."

Mag uumaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Sinubukan kong matulog pero parang nakapikit lang ako. Wala akong gana sa pakikipag usap. Wala rin akong dinahilan sa kanila kung anong nangyari sa akin. Ayoko munang makipag usap. At alam kong kailangan ko si Chloe makausap.

"Oh bakit gising ka na kuya?"

Naghihikab na bungad ang bagong gising na si Ethan. Siya na ang nagbabantay sa akin. Dinalaw na rin ako ni daddy. Pero sabay na rin silang umuwi ni mommy dahil dumating naman na si Ethan. May edad na rin sila kaya pinauwi ko na. At makakasama sa kanila ang magtagal sa ospital.

Napasapo ako sa noo ko.

"Hindi ako makatulog eh. Mamya na lang siguro."

"Magpahinga ka lang. Sabi ng doctor maayos ka na. Ok naman lahat ng test mo lalo na ang oxygen level mo. Ngayon ka na lang ulit nagpanic attack kuya ha. Pumunta ka na naman ba sa mataong lugar?"

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon