Chapter Eight

268 10 2
                                    

Song: Count On Me- Whitney Houston

Chloe's POV

"Agents. Nagpatawag ako ng meeting para idiscuss ang new mission ng grupo." pagpapauna ni Don Gener.

Nasa isa kaming hide out ng grupo. Marami rami kami ngayon kasama sila Daisy at Leone. Marami ng narecruit ang grupo at ang iba ay under training pa lang.

"Eto ang focus natin ngayon."

At inilagay nya sa screen sa harap ang sinasabi niyang mission namin.

Ganoon na lang ang gulat ko at napatayo ako ng makita ang harap ng buiding nila Drake. Ang Wecare Pharmaceutical Company.

At ang lahat ng directors na kabilang si Drake.

"Sila ngayon ang kailangan nating trabahuhin. Marami ng pag iimbestiga sa kanila at napag alamang hindi dumadaan sa tamang proseso ang kanilang kumpanya sa pagpapasa publiko ng mga gamot"

'Oh no! no no no!'

"Goal natin ang mabantayan silang lahat lalo na ang Don Manuel. Siya ang malaki ang kontribusyon. Idagdag pa ang marami niyang koneksyon. Kailangan ng maraming ebidensya para mapatunayan ang paratang sa kanila. Sinasabing lahat ng taong pumupunta sa kanila para magsabi ng mga nangyaring masama sa kanilang kalusugan ay sinusuhulan nila para tumahimik." dagdag ng don.

"Plano ko rin pag ibayuhin pa ang kumpanya ko para mawala sa kanila ang mga stockholders at supporters nila. Susubukan kong kunin ang karamihan sa mga kliyente nila. Kailangan ko ang tulong mo sa parteng ito Chloe."

Hindi ako nakaimik. Nanlulumo ako sa mga naririnig ko at parang hindi totoo.

'Paano na sila Ethan at Drake.'

"Lahat ng Board of directors nila at mga intelligents ay ang ating rabbit. May kanya kanyang schedule at toka ang bawat isa sa inyo. Kaya inaasahan ko na hindi niyo ako bibiguin. Magsisimula tayo ngayon sa pag imbestiga. Tignan ninyo ang kanya kanya ninyong assignment. Yun lang at mag ingat kayo."

Nakayuko ako sa pag iisip. Nag aalisan na rin ang mga kasama ko.

"RD in my office now." tawag ni boss sa akin.

Naglakad ako papunta sa magarbong opisina ng Don Gener.

"RD I need your help" tanong niya sa akin.

"Ano po yun?"

Habang nakikinig ako sa mga plano ng don, hindi ako makapaniwala sa gusto niya. I know the intention is good. Pero...

"Boss baka may ibang way.. Maghahanap ako.. Hindi lang iyang sinasabi mo... Please boss hear me out. Give me time to think and study on the right plan. Please please please. "

"Time is running RD. I will give you time to think about it but please decide ASAP."

Umalis ako ng nakalutang ang isip ko.

'Ano na ang gagawin ko? Ang hirap naman!'

Kailangan kong bumalik sa school para kunin ang schedule ko. Natapos na rin ang final exam at need na lang ang completion ng cases pero may ilang linggo pang duty.

Pagkakuha ko ng schedule ko ay sandaling pumunta ako sa may likod ng school kung saan maraming mga puno. Naupo muna sa bench.

Napapabuntong hininga na lang ako kapag naiisip ko ang mga bagay bagay.

' Chloe you have so much on your plate gerl. But you'll get through this. Magtatapos ka na. Konti pa. One at a time Chloe. One at a time..'

Nasa ganoon akong pag iisip ng may marinig akong sigaw ng babae.

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon