Song: Leaves- Ben&Ben
Ethan's POV
Ilang beses na akong pumupunta sa ospital kung saan naroon si Apol. Gusto ko siyang makausap. Nalaman ko ang mga nangyari kay Chloe at kailangang may gawin ako. Papakiusapan ko si Apol na magsalita. Dalawa kaming magsasalita para kay Chloe. Pero ilang beses na rin akong ayaw papasukin ng parents niya.
"Ma'am please need ko lang po makausap si Apol. Please po. Kahit sandali lang po."
"Alam mo iho masyado ng maraming pinagdaaanan ang anak ko! Huwag mo na siya abalahin! At bakit? Sino ang tinutulungan mo?! Yung Chloe na yun?! Alam mo bang ilang beses na niyang pinahamak ang anak ko! Simula ng maging magkaibigan sila, hindi na naging tahimik ang buhay ng anak ko! Kaya huwag na huwag mo ng mababanggit iyang babaita na iyan!" at malakas na pinagsarhan na ako ng pintuan.
Bukas na lang ang pagkakataon para magsalita at matulungan si Chloe. Ano na ang pwede kong gawin?
'Chloe Paano ka na? I'm sorry pero hindi ko pwedeng hayaang mapahamak ka.'
Kinuha ko ang phone ko at nagdial ng number
"Hello? Kailangan ko ng tulong mo kuya....."
Chloe's POV
Kumuha muna ako ng ilang oras sa Fastfood Chain na pinagsasideline ko. Para na rin makalimutan lahat ng nangyayari sa akin at sayang din naman ang araw kung magmumukmok lang ako.
Naglalakad na ako sa iskinita papuntang bahay.
"Oweng!!! Yung bahay niyo----!!" sabi ng kapitbahay naming si Bruno.
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at dali dali akong tumakbo papunta sa bahay. Grabe ang kabang nararamdaman ko. Wala naman sanang masamang nangyari kila naynay at ate Emma.
Nasa tapat na ako ng bahay namin ng makita ko ang ate Emma na nasa labas ng bahay na umiiyak at hawak si Bingbong.
Niyakap ko siya!
"Salamat ligtas ka!! Ate anong nangyari?" at hinarap ko siya
"Oweng ko. May mga pu-muntang bad guys. Tapos tapos.. Ginulo nila yung house natin. Tapos tinakot nila si nay---"humihikbi na niyang kwento.
"Ssssshhh. Ayos na andito na ako ate. Hindi ko hahayaang mapahamak kayo."
"Oweng..."
"Nay!" niyakap ko din siya. "Anong nangyari? Ok ka lang ba? Sinaktan ba nila kayo?"
"Pumasok na tayo at sa loob mag usap."
Pagkapasok, nakita ko ang gulo ng bahay. Parang dinaanan ng bagyo.
"Namukhaan mo ba nay ang mga gumawa nito?"
"Hindi anak. Parang mga bata pa. Buti na lang at sila Kapitan at mga tambay diyan sa kanto ay tumulong para makaalis 'yung mga 'yun. Tingin ko ay pananakot lang ito 'Weng."
"Kailangan pa rin nating malaman nay. Sa ngayon, may pagdadalhan muna ako sa inyo. Hindi ako mapapalagay kung andito kayo at baka manganib na naman kayo."
"Anak hindi kami aalis dito kung hindi ka kasama."
"Pero nay." At napabuntong hininga na lang ako.
"Ayos lang kami. Saka papatingin na lang kami lagi sa barangay, si Kap. Huwag ka ng mag isip diyan."
"Oo nga Oweng ko. Masaya kami dito ni naynay. May bago akong kalaro diyan sa labas, si Maggie. Mabait siya Oweng ko. Ayoko din umalis dito.." sabi ng ate Emma.
"Sige. Pero pag nangyari pa ulit ito, aalis na kayo ha. Nay? Tapos lagi niyo akong itext ng lagay niyo kapag wala ako dito."
Ginulo niya ang buhok ko "Ikaw talagang bata ka! Oh pano na bukas?"
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...