Chapter Forty One

177 6 0
                                    

Song: Broken by Anson Seabra

Drake’s POV

Ilang oras na ako sa bahay ni Chloe pero bilin niya kay Nay Lourdes na huwag daw papasok sa kwarto niya. Labis na ang pag aalalang nararamdaman ko. Buti at sa susunod na araw pa ang pasok ko. Tinanong ko din ang Nay Lourdes ng bahay nila kaya nalaman ko.

Kagabi paggising ko ay nagpaalam siya kay Maggie na may aasikasuhin lang na importanteng bagay. At nag message din siya sa akin na ganoon din ang sinasabi. Pero magtatanghali na ay hindi pa rin siya lumalabas para man lang sana kumain. Ang sabi ni nay ay nakatulala lang siya sa bintana. Hindi ko na napigilan kaya mabilis na akong pumasok sa kwarto niya dala ang tray ng pagkain niya. Pagpasok ay nakita kong nakabaluktot siyang nakaupo sa kama na nakatanaw lang sa bintana. Agad kong nilapag ang dala ko sa lamesa sa gilid.

“Hon, may nangyari ba? Kain ka muna.” Tanong ko pagkasara ko ng pintuan na hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Chloe. Bakas sa kaniya ang puyat at matagal na pag iyak.

“Umuwi ka na lang please. Huwag na muna ngayon Drake. Hindi ko alam kung paano ka haharapin.” Sambit niya na hindi natitinag ang tingin sa labas.

Lumapit ako sa may paanan ng kama niya at umupo. “Sabihin mo naman sa akin kung anong problema oh. Masakit na makita kang ganyan eh. May nangyari bang masama?” Lumapit na ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya pero agad niya din iyong binawi.

“Umalis ka na lang please.”

“Ayoko.”

Tumingin siya sa akin at ang takot ko ay lalong nag alab. Malamlam ang mata niya at bakas ang pagod. “Sumira ako ng pamilya Drake, nakasira ako ng buong pamilya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. At hindi ko na mababawi pa ang nagawa ko. Kaya hanggat kaya mo pa akong talikuran, gawin mo na. Hindi ako ang nararapat para sa iyo.” Pakiusap niya at bumalik na sa bintana ang tingin niya.

“Ano bang sinasabi mo? May toyo ka lang noh? Masakit ba puson mo? Meron ka lang ata eh. Hindi ko papatulan iyang toyo mo ngayon Chloe.” Pagbabago ko sa usapan. Sa dating ng sinabi niya, parang may ideya na ako kung anong nangyayari. Tungkol na naman ito sa--- Haysss..  “Kung tungkol ito sa nakaraan mo, tanggap ko iyon. Wala ng problema sa akin iyon. Hon… Huwag naman ganito. Magsabi ka sa akin.” Hinawakan ko na ang braso niya at niyuyogyog iyon ng bahagya.

Tinignan niya akong muli. “Huwag mo na akong puntahan. Huwag mo na akong lapitan. Hindi ako mabuting tao Drake. Masama ako! Inagaw ko ang magandang kinabukasan ng isang bata. Dahil sa akin, mabubuhay siyang hindi buo ang pamilya. Please, balikan mo na lang si Hally. Patawarin mo ako kung naging hadlang pa ako sa inyong dalawa. Mas nararapat siya sa iyo, maniwala ka sa akin.” Malumanay niyang pangungumbinsi.

Agad akong tumayo. “Tangina naman Chloe! Tingin mo madadaan mo ako sa ganyang pakiusap mo?! Tumigil ka na nga! Sige, hahayaan kitang magpahinga. Naguguluhan ka lang ngayon.” Galit kong pahayag at lumakad na para lumabas.

“Nanliligaw ka diba? Then, my answer is big NO! Binabasted na kita Drake. Layuan mo na ako!” Narinig kong matigas niyang pahayag habang nakatalikod ako. Agad akong humarap sa kaniya.

“Hindi mo ako mapapaniwala Chloe! Ipaintindi mo nga sa akin ang nangyayari sa iyo, at pangako uunawain kita.” Saad ko at bumaba ang tingin ko sa sahig. “Pero mukhang hindi pa ako ganoon kahalaga sa iyo para pagtiwalaan mo ako ng pinagdadaanan mo. Masakit man pero tatanggapin ko iyon. Handa akong maghintay Chloe. Handa akong hintayin ka.”

“Huwag na, wala ka ng hihintayin. Pagsisisihan mo lang lahat. Save yourself from massive self-destruction. Hindi kita kayang sagipin kapag nangyari iyon.”

“Magpahinga ka na muna. Nandito lang ako kapag ok ka na. Kakalimutan ko ang sinabi mo dahil hindi ko iyon tinatanggap. Nandito lang ako Chloe. Kumain ka muna at magpahinga.” At mabilis na akong lumabas na mabigat ang loob. Baka kapag nagtagal pa ako ay kung ano pa ang masabi niya. Ano bang nangyayari na naman? Nonstop naman ang pahirap sa amin, ano ba!

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon