Chapter Twenty Five

191 6 0
                                    

A/N: Suprays... Two Chapters for chuday.. Happy reading..

Ang luma ng mga kanta noh? Alam na kasi mga tita's. Hahaha..

Drake's POV

She kisses me...

Nakamaang pa rin ang itsura kong nakatingin sa kaniya habang siya ay nakapikit ng nakalapat ang labi sa akin.

It's not our first kiss pero grabe na ang kabang nararamdamaan ko. Parang ako ang babae sa amin dalawa.

Pinalalim niya pa ang halik niya sa akin by moving her lips in other direction. At nung pumikit na ako para tugunin ko na rin ang halik niya at lalong palalimin ang halik naming dalawa ay siya namang bitaw niya. At dumilat ako ng nakangisi siya.

"Mukha kang tanga," nakakalokong tukso niya.

"Ang daya! Isa pa! Hindi ako ready doon!"

"Nope! Enough na! One kiss per day Mr. Judger."

"Huy! Huwag ganoon!"

"No kiss unless it's my initiative ok? Hahaha."

"Your so mean to me. Basta kapag tayo na, ako na masusunod. Humanda ka talaga sa akin. Iyang labi mo, magsusugat iyan sa sobrang halik ko, tignan mo!"

"Heps! Quota ka na for this day Sir. Anong pwede nating gawin?"

At tinignan ko siya ng makahulugan at mapang akit.

"Tigilan mo na iyang makamundo mong isipan boss. Not gonna happen. Let's try something fun and different that is not worldly."

"Sino kayang unang humalik diyan?" sinundan ko pa ng kunwaring bulong na nagtatampo.

"Hoy! Hindi ko pa nakakalimutan iyong ginawa mo sa akin dati ha! May atraso ka pa nga sa akin Mr. Arellano!"

"Eh di gumanti ka ngayon your honor. Promise, hindi ako papalag. Dali!" at lalo akong lumapit sa kaniya na nakalahad ang mga kamay.

Sabay bato niya sa akin ng unan, " Raulo ka!"

"Kantahan mo na lang ako ulit, mamya na tayo maglaro ng masayang laro. Mag iisip pa ako para maka tsansing sa iyo."

"Very wrong talaga pagpunta ko dito."

"Sige na kantahan mo na ako. Binitin mo ko kagabi. Masakit kaya sa puson kapag nabibitin."

"Hindi ka talaga titigil!" sabay amba niya sa kamay niyang papalo sa akin.

"Pikon!"

"Sige na kakanta na lang ako."

"Talaga?" at tinignan ko na naman siya ng makahulugan.

Sabay ipit niya sa leeg ko, "kahit kailan talaga iyang pag iisip mo! Kahalayan lagi ang laman!"

"Aray! Tama na! Sige na sige na," at siya namang kawala ko sa kanya at umayos ng upo.

"Iyon lang, nakalimutan ko gitara ko," malungkot niyang pahayag.

Nginitian ko siya at sabay tayo para may kunin sa may storage area. At sabay abot sa kaniya ng bago kong biling gitara.

"Really? Bumili ka? Wow! Magandang klase ito ha," sabay himas sa paligid ng gitara.

"Yah! Pero exclusive lang iyan for me! Pang sa akin lang iyang gitarang iyan. Pwede na ring pang kay Home at sa akin."

Nakangiti siyang tinitimpla ang gitara. "Ready? Parang dapat ikaw ang nanghaharana sa akin. Bakit ako ang nanunuyo dito?"

"Gusto mo akong kumanta?"

"On the second thought, ayos na pala na ako na lang. Hahaha"

"Ang sama mo sa akin!" at tumawa lang siya. At nagsimula na siyang tumugtog habang nakatingin sa akin.

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon