Song: Don't say you love me by The Corrs
Drake's POV
Pagkapasok ko muli sa opisina ko pagkatapos kumain ay nagulat akong nililipat na ang mga gamit nila Chloe.
"Bakit iyan Gemma?" Tanong ko.
Kasalukuyang nag aayos na si Gemma ng mga gamit nila, "Sir, pinapabalik na po kami ni Miss C sa office namin," malungkot na sabi ni Gemma.
"Why? Ayos na ba?" Kunot noo kong tanong. Hindi ko alam pero mas masaya akong nakikita siya. Kaya ayos lang sa akin na dito sila.
"Iyon nga Sir eh. Hindi pa po, pero pagtiisan na lang daw namin," sagot niya.
"Sabihin mong dito na lang muna kayo. Wala namang problema sa akin," pahayag ko.
Tinignan ako ng makahulugan ni Gemma, "Sir gusto niyo lang ata akong nakakasama dito. Sabihin niyo lang po Sir." Pagkasabi noon ay napaurong ako. Nye! Napagisipan pa ako.
"Palabiro ka talaga Gemma. Magagalit pa sa akin si Dex niyan," biro ko. Sabay lakad na pabalik sa upuan ko.
"Haysst! Ang isang iyon! Sige na po Sir, baka nasa conference room na po si Miss C."
Nag ayos lang ako at inayos ang ipepresent ko sabay punta na naming ni Dex sa conference room. Nandoon na si Chloe at pirming nakayuko at tila may binabasa. Nasa kanila na ang details ng ipepresent ko kaya pwede na silang bumuo ng tanong o anumang reaksyon pagkatapos. Alam kong suntok sa bwan ang presentation ko. Napaka babaw ng ginawa ko at malayong ma aprubahan.
Nakaupo na ang lahat at umayos na ako sa unahan. Tinignan ko si Chloe pero nanatiling sa folder ang tingin niya.
"Good afternoon everybody. I want to introduce my new business proposal. New form of vitamin, let me introduce to you, Immunazinc everyone, a vitamin with Sodium ascorbate plus zinc sulfate monohydrate." Nakita kong tumingala na siya pero sa unahan ang tingin niya at hindi sa akin.
"This nutritional supplement contains vitamin C and zinc. Vitamin C and zinc together help the body's natural defense against damaging free radicals. It also helps boost immune function. Free radicals are highly reactive and unstable chemicals generated during normal body activities that require oxygen and after exposure to UV light, cigarette smoke and various pollutants. One major effect of zinc is on the ability of cells to properly replicate their DNA, which is required for cells to multiply. Hence, zinc is needed for normal growth, cell renewal and cell repair. Vitamin C and zinc also function as cofactors of enzymes involved in collagen formation and synthesis. Collagen provides strength and elasticity to the skin and helps promote faster wound healing."
Napatingin ako ulit sa kaniya pero nanatiling walang reaksiyon ang mukha niya. "I am sure this vitamin will be in demand in the market soon." Yumuko na siya at nagbasa ulit. Nagulat akong wala siyang violent reaction sa mga sinasabi ko. "Any reaction Ma'am?"
Umayos siya ng upo bago nagsalita. "This presentation is ok with me. Approved." Nagulat ako sa sinabi niya. "Just make sure that this medicine will be available in span of time. I've heard that the competitors are planning to release new set of vitamins in the market. I want to release Immunazinc soon, so the people will differentiate the great advantages of this vitamin compared to another brand. Work this out Mr. Arellano, great job. Thank you. Meeting adjourned," astang aalis na siya ng lumapit ako.
"Hindi pa pala gawa ang office niyo. Doon na muna kayo sa office ko," malumanay kong pahayag.
"No need. U-Uhm mali din akong pinili ang office mo. Konti na lang at maaayos na rin naman ang office ko. Kaya na namin pagtyagaan ni Gemma iyon. Thank you for the offer. Bye." At agad na itong umalis. Napabuntong hininga na lang ako at aaminin kong nalungkot ako.
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...