Song: Need To Be Next To You
Chloe's POV
Pagkalabas ko ng bahay nila Drake, umiiyak pa rin ako at hawak ang puso kong naglalakad na parang walang patutunguhan. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyari, pero isang bagay ang alam ko, hindi ako tumutol sa ginawa niya. Maaaring sa una oo, pero dahil first hug, first kiss at akalain mong first half ko na rin 'yun! Tang inang iyan! Wala man lang mailagay sa diary ko na maganda ang first experiences ko!
'Mahal ko siya, mahal ko na nga siyang talaga, nasisiguro ko na. Dati inaakala kong paghanga lang ito.'
Pansamantala akong huminto at umupo sa bench ng maliit na parke nadaanan ko. Hawak ang puso ko at humihikbi na akong umiiyak. Ang bigat! Halos hindi ako makahinga.
'Drake bakit? Ikaw na hinangaan ko at ngayon ay mahal ko na. Ikaw na tiningala ko at nilagay ko sa pedestal ng puso ko. Bakit ikaw pa ang gumawa sa akin ng ganito? Bakit? Bakit?!'
Iningatan ko ang sarili ko, twenty years, NBSB. No hug, no kisses, no relationship, nothing! Pero sa isang pagkakataon, Chloe, halos bumigay ka! Where's the selflove in there? Saan, ha? Ganiyan ka ba pinalaki ng Naynay at Taytay mo? Ganiyan na nga ang lagay ng buhay mo, magpapakababa ka pa ng tuluyan, ha! Think, girl!'
Kung sana'y may kaibigan ako na pwede akong samahan sa nararamdaman ko ngayon, baka tinawagan ko na. Pero 'nung huling magkaroon ako ng kaibigan, dahil sa akin napahamak, kaya nilayuan ko na.
Tumingin ako sa langit.
'Hay ano bang nasa palad mo, Chloe Legaspi Samonte, at ganiyan kalala ang nangyayari sa iyo. Una, nawala ang Taytay mo at kailangang kumayod kayo ng Naynay mo ng sobra para mabuhay kayong tatlo at makapag aral ka. Sumunod, ang trabaho mo, hindi ka na makaalis diyan! Dahil wala na talagang labasan diyan! Tapos ang taong hinangaan at minahal mo, galit na galit sa iyo at ginawan ka ng hindi maganda dahil sa maling paniniwala niya tungkol sa iyo!'
Kung kaya ko lang sabihin sa kaniya ang totoo. Pero manganganib siya at ang pamilya niya kung sakali. Huling taong sinabihan ko ng trabaho ko, halos mag agaw buhay na.
Nasa pag iisip ako at umiiyak pa din ng tumunog ang phone ko. Pinahid ko na ang luha ko at huminga ng malalim.
'Hold on ka lang heart, malalampasan mo rin 'to. Isipin mong lagi ang Naynay at Ate Emma mo.'
"Yes, Boss," sagot ko sa tawag.
"Pasensya na po, nagka abirya lang sa daan, Boss. Eto na po at papunta na. Pasensya na po talaga," tugon ko ulit at nagmamadali ng tumakbo.
'Kalimutan mo muna Chloe. Hindi ka pwedeng magkamali sa trabaho mo!'
At buti na lang ay di kalayuan ang bahay nila Don Gener Choviski. Ang Boss kong nagmamay ari ng SureCare Pharmaceutical Company. Pero may isa pa siyang hidden business, siya lang naman ang head ng Undercover Agents na kinabibilangan ko. Walang pangalan ang grupo namin para sa proteksyon ng lahat. Oo, isa ako sa mga agent or minsan ay spy, depende sa trabaho. Taliwas sa iniisip sa akin ng hinayupak na Drake!
Nagpoprotekta at nangangalaga sa isang tao o grupo para sa kapakanan ng nakakarami. Ang pangunahin naming layunin ang mailagay ang nakakarami sa mas ligtas na lugar para mabuhay. Pero kapalit ng serbisyo namin ang malaking kita. Don Gener means business, I am sure about that.
Binabayaran siya ng mga kilalang tao pati ng gobyerno para mailigtas sila sa oras na may threat sa buhay nila. Patago namin itong ginagawa.
"Red Dragon, bakit ngayon ka lang? Nagagalit na si boss sa iyo. Langya! Pati ako napagdiskitahan pa!" sabi ni Daisy na kapwa ko agent.
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...