Day 1 of 5Drake's POV
"Hon, gising na! Jogging tayo," malumanay kong bulong sa tainga ni Chloe.
"Ha?" sabi niya habang umupo at kinukusot kusot pa ang mata." Inaantok pa ako, ikaw na lang"
"Pero kailangan nating maging healthy. Tayo na. Sasama natin si Hope," pamimilit ko.
"Ok ka na ba?" At tumango ako, siya namang balik niya sa higaan, "ikaw na lang. Inaantok pa ako talaga. Saka hindi ako nagjajogging." Tamad na tamad niyang sabi. Saka nagtalukbong ng unan.
"Kung hindi ka pa tatayo diyan, ibang exercise na ang gagawin ko sa iyo. Sabi pa naman nila, masarap daw iyon sa umaga," sarkastiko kong sabi habang masamang nakatingin sa nakalislis niyang damit.
"Iyan ka na naman!" Sabay hagis sa akin ng isang unan pero naiwasan ko iyon.
"Tapos mag basketball tayo," may excitement kong tugon.
"Ha? Bakit basketball?" Ang tingin niya sa akin ay parang takang taka.
"Wala lang. Gusto ko lang," nagtataka ko ring sagot. "Pagtiyatyagaan na kita. Wala akong kalaro eh," dagdag ko pa.
Umayos siya ng upo at hinarap ako. "Drake, sabihin mo nga sa akin, may naaalala ka ba?" Lalo ang pagtataka sa mukha niya.
"Huh? Saan?"
"Ah wala. Sige magbibihis lang ako. Pero ikaw? Ayos ka na ba talaga? Baka makasama sa iyo kapag natagtag ang ulo mo. Baka manakit ulit." Sabay hawak niya sa mukha ko.
"Ayos na ako hon. Sabi naman ng doktor, kailangan lang maiwas ako sa stress. At pinayagan na niya ako mag gym at exercise. Huwag lang patayang workout. Halika na. Naghihintay na si Hope." Aya ko sa kaniya. Tinulungan na siyang tumayo.
"Sige sige," Pagtayo ay siya namang yakap ko sa kaniya.
"Good morning hon," at aktong hahalikan ko siya ng harangin niya ang kamay niya.
"Hindi pa ako nagtutoothbrush."
"Ano naman?"
At siyang karipas niya ng takbo papuntang CR. Napailing na lang ako at natawa. Bumaba na ako, inayos ang pagkakatali ni Hope. Masaya itong nagkukuwag kuwag. Pinakain ko na siya at bahagyang hinilamusan.
Maya maya ay nakita ko ng bumaba si Chloe. "Ano iyang suot mo?"
"Workout clothes, I think, why?" Sabay tingin sa suot niya.
Tinignan ko siya ng masama at napailing, "mapapaaway pa ako sa suot mo. Akyat! Palit! Bilisan mo!""Ha? Eh eto ang nakita ko doon, wala ng ibang pwede. Ikaw ang bumili nito tapos ayaw mo ipasuot. Pambihira ka talaga," mataas niyang pahayag at ngumuso pa.
"Oo nga, ako nga. Pero hindi ko naisip na lalabas kang nakaganyan. Magsuot ka na lang ng tshirt ko."
"Hmp! Grumpy Drake Arellano!" Inaambaan pa ako ng suntok. Hindi nagtagal ay bumaba na siya at suot na nga niya ang tshirt ko.
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...