Chapter Thirty Four

189 6 2
                                    

A/N: Jinky Song ulit. Dapat dalawa upload kong chapter kaso binalik na ng kapatid ko sa company ang laptop na gamit ko. Ang hirap gumawa sa cellphone. Haysss.. Eto muna. Happy reading. 😘

Day 3 of 5

Chloe's POV

Pagkatapos mag umagahan, pinauwi ko muna si Drake para makapag ayos sa lakad namin papunta sa amusement park. Iiwan muna namin si Hope dito sa bahay dahil baka matagalan kami. Binigay niya na sa akin ang dalawang ticket na binili niya online para nga naman hindi na pumila.

Ayos ang pag uwi niya para naman makakilos pa ako ng maayos dito sa bahay at makapili ng magandang susuotin. Pinili ko ang minsang binili kong jumper with inner na off white at pinartneran na rin ng maliit na bag. Nag plantsa din ako ng buhok at nag make up. Nanibago ako ng sobra sa nakikita kong itsura ko ngayon.

"Anak, ikaw ba iyan?" manghang baling sa akin ng naynay pagkababa ko. Napakusot pa siya ng mata na parang hindi totoo ang nakikita.

Napanguso ako sa kaniya, "nay naman eh! Over ba? Parang gusto ko tuloy magpalit." Sabay tingin ko sa suot ko sa salamin.

" Sabay tingin ko sa suot ko sa salamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi naman. Nabigla lang ako sa ibang awrahan mo ngayon. Babaeng babae ka. Ang ganda ganda mo anak." Tunghay niya sa akin sabay ayos ng naka ikot na strap ng jumper na suot ko.

Nahihiya akong sumilip ulit sa salamin na parang naiilang. "Sigurado ka nay? Hindi masagwa suot ko para sa amusement park?"

"Hindi. Hindi. Napakaganda mo. Mag iingat kayo at mag enjoy ka anak ha. Paalis na rin kami ni Emma para sa check-up niya." Kinuha niya na rin ang bag niya at sinukbit na iyon sa kaniya.

Hinalikan ko na si nay at inayos na rin ang dala ko. "Sige nay. Mag iingat kayo. Nasaan na ang ate?"

"Oweng ko, hala! Ganda mo naman!" Bulalas naman ni Ate Emma na galing pala sa labas. Nakabihis na rin siya ng tshirt saka pantalon at nakaponytail ng mataas.

Ngumiti ako kay ate at yumakap sa kaniya. "Ikaw talaga. Number one fan talaga kita. Lahat na lang maganda sa akin. Oh siya sige na! Mag iingat kayo ni nay ha. I love you ate and nay."

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon