Chapter Twenty Seven

200 7 0
                                    


Iyong images nilagay ko sa gitna at sa dulo. Nagloloko uploading ko. Lalaki siguro 'to, nagloloko eh. Hahaha. Chos lang!

Happy reading. 🥰

Chloe's POV

"Ano iyan?!"

"Gaga eh di gown!" sarkastikong sagot sa akin ni Daisy habang hawak hawak ng isang kamay ang magarbong gown na pinapasuot sa akin. "Ready ka na RD? Pusa! Pang Magic Ball ang peg mo mama! All eyes ka sigurado dito gagi!"

"Alam ko gown iyan baliw!" sabay bato ko sa kaniya ng sapatos pero nakailag siya. "Bakit ganyan itsura? Hindi ako magsusuot niyan!"

"Opps!! Can not be RD! Too late! Alam mo bang si boss ang pumili niyan? At.... Wala kang pagpipilian. Hahaha.. Ganda diba? Pusa! Laglagan ang mga panga ng mga lalaki sigurado neto sa'yo gerl!"

"Gago! Sigurado ako may kinalaman ka diyan!"

Tumalikod bigla ang baliw na ngumingisi at humahagikhik pa.

"Tss! Badtrip!! Grrrrr!!!!" naiinis kong pahayag.

Inaayusan na nila ako para sa Charity Ball at ang totoo, tamad na tamad ako sa ginagawa nilang ito. Hindi ko ito linya. Pesteng Daisy 'to! Siya ang laging umaako sa ganitong parte dahil natural ang kaartehan niya. Pero siguro ay tinubuan na ng hiya kay kuya kaya umaaayaw na. Hay! Hindi rin naman talaga ako mahilig sa mga kasiyahan. Mas gugustuhin ko pang itulog na lang kapag may nag aaya ng mga parties. Pero dahil tawag ng hanapbuhay, ay heto ako at pilit na nagpapaayos.

Inuuna nilang kulayan ang buhok ko, sumunod ang manicure at pedicure na lahat ay first time para sa akin. At kung ano ano pang borloloy na pinaggagawa sa akin. Dahil iyon ay utos kaya nagpaubaya na ako. Nabriefing na rin kami ni boss sa takbo ng gagawin namin mamya. 'Lumandi', iyan ang role ko ngayon. Napapabuntong hininga na lang ako. Sana ay maitawid ko ng maayos.

"Shit RD! Ikaw ba iyan? Kaya mo naman palang magmukhang tao!" manghang bulalas sa akin ni Daisy nang matapos akong ayusan. Nasa harap ako ngayon ng malaking salamin. Inambaan ko na lang ng palo si Daisy dahil may kalayuan siya.

"Tsk! Sana maitawid ko ang araw na ito. Ayusin mo sa taas ha! Naku! Kapag ikaw sumablay 'dun gulpi ka sa akin!"

"Hahaha. Galingan mo landi mo gerl. Sa iyo lalo nakasalalay ang tagumpay ng planong ito. Ganda mo talaga!" siya namang labas ni Daisy at naiwan akong mag isa.

Totoo ang pagkamangha niya dahil ako man ay hindi rin makapaniwala sa itsura ko ngayon. Para akong nanghiram ng katawan sa kung sino.

Isang gown na bukas ang likod at halos lantad ang maliit kong dibdib. Buti ay hindi 'nun nahagip ang ginawang marka ni Drake. Kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin. Sobrang hapit sa katawan ko na harinawa ay makakilos pa ako mamya. Kinulot din nila ang ibabang bahagi ng mahaba at mapula pulang kulay ng buhok ko. Ang make up? Isa lang naman make up artist ng sikat na magazine line ang kinuha ng Don Gener. Nailabas niya ang simple pero may dating kong itsura. Hindi talaga ako makapaniwala sa itsura ko ngayon. Para akong fairytale princess na nag ibang anyo.

 Para akong fairytale princess na nag ibang anyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon