A/N: Kumusta na kayo? Grabe na naman ang mga cases noh. Hang in there lang tayo. There's no rain that last forever. Gayahin ang technique ni Chloe, happy thoughts and good memories lang. Basa na lang tayo para madivert ang attention natin. Stay safe everyone. Happy reading.
T-shirt pala nila nung nagpalit na sila galing sa happy house este haunted house. :) Nadedetached iyong jumper ni Chloe. Pwedeng pantalon na lang. :)
Chloe's POV
Tapos na kami kumain at ngayon ay nakaupo na lang kami at nagpapahinga ng may makita akong baby na nasa unahan namin. Ang cute cute ng baby boy na siguro ay nasa 3 months na. Kumuha ako ng lollipop at pinakita iyon sa baby na siya namang ikinalikot ng bata at nagtatatalon habang karga ng nanay niya.
Naramdaman kong tumingin sa akin si Drake. "Gusto mo na ba?"
Pinalo ko siya,"sira." At bumaling ulit sa baby.
"Nakatingin siya sa iyo. Ang cute niya. Lika gawa na tayo ng sa atin." Sabay akbay sa akin. Inambaan ko naman siya ng palo.
"Tigil tigalan mo nga ako ha." At nginusuan siya.
"Pikon. Ayan nakikipag tawanan na siya sa iyo." Sabay tingin ko sa baby.
Nakikipagharutan nga siya."Oo nga. Ang kulay kasi ng hawak ko." Iwinagayway ko pa ang hawak ko at nginitian ang baby.
"Ang sarap siguro magka baby." Seryoso niyang pahayag.
Tinignan ko siya ulit at saka bumaling ulit sa baby. "Kay Hope muna. Saka na lang." Nilaro ko ulit ang baby na nagtatatalon habang hawak ng nanay niya malamang. "Alam mo ba ang theory ni Jean Piaget?" Tanong ko kay Drake.
"Hmmm.." Pag iisip niya. " Nakalimutan ko na pero sa Psychology siya diba?" Sabay tingin niya sa akin.
Tumango ako, "yes. About Cognitive Development. The first stage is Sensorimotor." Pagtutuloy ko.
Bumaling siya sa akin na nakangisi. "May pa lecture tayo dito," tudyo niya sa akin.
Pinalo ko siya, "Hahaha. Ewan ko sa iyo" Sabay tingin ulit sa baby. "Ipapaliwanag ko nga. Sigurado ako hindi ka nakikinig noong time na tinuturo iyon." Mataray kong pahayag.
"Hahaha. Oo, malamang. Hindi ko masyado inaral ang Basic Psychology." Pahayag niya.
Sabay pingot sa kaniya. "Kitam. I eexplain na nga eh. Taena naman!" Pikon kong pahayag.
Niyakap niya ako, "ang pikon mo talaga." Umayos na siya ng upo at umakbay sa akin. "Sige na. Go. Enlighten me." At umayos na rin ako ng upo.
"Under sensorimotor stage, nandoon ang object permanence. It usually develops 6 months and up. Just like this baby, he is maybe around 3 months, I think. Object permanence is not yet developed. So, when I put this lollipop on, he will think that this is present and existing. And look at his response, he wants to have it." Tinignan ko si Drake at nakatutok siya sa baby. Tuwang tuwa siya dito. Pagkatapos tumingin sa kaniya ay itinigil ko ang paggalaw sa lollipop at ibinaba ito. "But when I put it down, hindi niya na nakikita ito. Hindi na niya hahanapin, as if it is not existing anymore." Pagtutuloy ng paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...