Chapter Thirty

260 9 2
                                    

Drake's POV

Masaya akong pumasok at hindi mawala ang ngiti ko sa araw na iyon kahit may mga problema sa kumpanya na kailangan ayusin. Pagkasakay ko sa elevator para pumunta sa Conference Room for Executive Meeting, may nakasabay akong dalawang babaeng empleyado.

"Good morning po Sir. Ang gwapo niyo po," nginitian ko na lang sila.

'May asawa na ako.'

"Mare grabe, ang sipag niya pa pati. Sir ang sipag niyo naman po."

"Kailangan eh. May anak na ako," at nangiti ako sa pahayag ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mata nila at ang panlulumo.

"Talaga po Sir? May anak na kayo?" parang maiiyak na pahayag ng isa.

Tumango ako, "Yap! At may asawa na rin." Buti at bumukas na ang elevator at lumabas na ako. Agad akong pumasok sa Conference Room na noo'y halos kumpleto na ng mga attendees. The Chairman emphasize ang tungkol sa ibang kliyente na nakukuha na ng mga kakumpetensiya namin. Kailangan magawan iyon ng solusyon. Pinapa imbestigahan niya rin ang mga kumakalat na balita na mayroong malaking side effect ang ilan sa mga gamot namin.

"Drake, I want you to put your all attention sa problemang ito," malakas na pahayag ng lolo kong si Don Manuel. "We count on you iho. Dapat ay maibigay na sa iyo ang tuluyang pamamalakad ng kumpanya. Baka sa susunod na taon ay ikaw na ang gawin kong CEO ng kumpanya. Maghanap ka na ng mapapangasawa mo para naman makatulong mo rin sa pagtataguyod ng kumpanya natin. Nasa tamang edad ka na," dagdag niya pa.

"Chairman, I will do my best to solve our issues. And rest assured that I and my team will do an extra effort for the company," pahayag ko. "And with regards to my-"

"Dad, we already set their Engagement Party soonest. Hally ang Drake will get married possible early next year." Putol na pahayag ng Daddy Andre ko.

'Shit! Hindi ko pa kasi sila nakakausap tungkol sa amin ni Chloe. Dahil na rin sa ayaw pa ni Chloe na ipakilala ko siya. Paano ito?'

"Good for your apo. Hally is a good catch. She is perfect for you and I hope na magkaapo agad ako sa tuhod ha." At nagtawanan ang lahat.

"Chairman, Dad, uhm.. I want to clarify---"

"Drake we understand your nervousness. We know, at start, you will have adjustments and hardships, but we are still here to support you. Right Chairman?" may halong pagiging sarkastiko ang tono ni Daddy at hindi ako natutuwa sa inaasta niya. Hindi ito ang normal niya.

"Of course Andrei, Drake you have to stay focus on our company's wealth ok? And now.."

At nagtuloy na ang ibang topic and concerns ng meeting pero nawalan na ako ng ganang mag focus sa meeting. Iniiisip ko kung paano ko mapapakilala si Chloe sa pamilya ko gayong ayaw niya pa. At hindi pa rin naman niya ako sinasagot. Pagkatapos ng meeting ay agad akong umalis.

"Drake in my office now!" May galit na pahayag ng daddy ko. Kaya sumunod na ako sa kaniya sa office nito.

"Anong ginagawa mo ngayon? Baka akala mo ay wala akong alam sa mga pinagkaka abalahan mong lalaki ka!"

"Dad. I'm planning to cancel the wedding."

"What? Sinong babae iyan?"

"Dad mahal ko siya."

"Anong pinagsasabi mo? Kilala kita at alam kong naglalaro ka lang. Ilang beses na iyan nangyari at umuuwi ka pa rin kay Hally. Huwag mong sirain ang plano Drake! Tigilan mo na iyang kalokohan mo! Kagabi ay hindi ka na naman umuwi? Ano? Baka makabuntis ka sa ginagawa mo at alam mo ang gagawin ko kung sakali. Alam na alam mo Drake."

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon