Chapter Forty Six

184 8 0
                                    

Chloe's POV

Gabi ang pinili naming oras para umuwi. Sira pa rin ang sasakyan niya kaya naka bus kami ngayon na nagbabyahe. Si Hope ay nasa tabi ko na naka diaper at buti ay may pang tatluhan upuan. Sinabi ni Tata Oweng na babantayan na lang ng kasamahan nila ang sasakyan ni Drake para hindi mapaano.

Tinitignan ko ngayon si Drake na natutulog at tinignan ko rin ang magkahawak naming kamay na may singsing. Bumalik ang tingin ko kay Drake pagkatapos. Parang panaginip ang lahat ng nangyari, at totoong napakasaya ng puso ko.

"Baka mabura na ang mukha ko sa kakatitig mo misis."

Nagulat ako sa baritono niyang boses kaya pinalo ko siya sa braso niya, "akala ko tulog ka, buset!"

"Nararamdaman ko kasi ang titig mo eh. Baka makalimutan kong nasa public bus tayo," at dumilat na siya at kinindatan ako.

"Baliw, napagod kaya ako kanina. Hindi mo ako tinantanan," bulong ko.

"Part pa lang iyon ng totoong gusto kong mangyari hon. Kaya maghanda ka."

Nung nag stop over ay nag CR muna kami at bumili ng pasalubong kila naynay. Maayos ang naging byahe at sumunod ay nag taxi na kami diretso sa boarding house.

"Ok na ako dito sa pinto. Halika na Hope," aya ko dala na ang mga gamit ko at tali ni Hope.

"Sa condo ka na dapat umuuwi eh. Kasal na tayo," pagmamaktol nito.

"Sira, alam nating pareho na laro lang iyon. Sige na at umuwi ka na at magpahinga. Mag text ka kaagad kapag nasa condo ka na," humawak ako sa balikat niya at hinalikan siya.

"I don't want to end this day yet. Pero sige, tulog ka na misis," itinaas niya ang kamay niyang may singsing. "Kasal ka na ha! Bawal na lapitan ng iba!"

"Possessive, uwi na! I love you."

"I love you Mrs. Arellano," humalik pa siya ulit atsaka umalis.

Pagkapasok ay nakangiti akong hawak ang mga pasalubong at bag ko. Tinali ko muna si Hope at binigyan ng pagkain. Inaasar ako ni Daisy at naynay pagkabigay ko ng pasalubong sa kanila. Pero dahil sa sobrang pagod ay nahiga na ako kaagad pagkatapos maligo at magtoothbrush. Nag usap muna kami ni Drake sa phone at di namalayang nakatulugan ko na ang pakikipag usap sa kaniya.

Dumaan ang mga araw na subsob na naman sa trabaho at pag aaral. Pero nagagawa pa rin akong ihatid sundo ni Drake kung kinakaya ng schedule niya. Naging maayos na ang sasakyan niya pagkatapos ng tatlong araw.

Ngayon ay kakauwi ko lang pero bukas ay bakanteng araw ko. Kaya nagpasya kami ni Drake na ngayong gabi lumuwas para ma meet ang family niya. Bukas ng gabi ang tandang oras pero sa bahay niya muna kami tutuloy at sinasabi niyang namiss na daw ako ni Home.

"Pagod na pagod ka na Chloe, baka pwedeng magpahinga ka naman huy! Baka dalawa na tayong bantayan niyan," baling sa akin ni Daisy.

"Kaya ko pa. Konti na lang matatapos na ang school year. Kaya, kaya pa," mataas na tonong tugon ko.

"Hindi ba kayo nag aaway ni Drake sa schedule mo?"

Umiling naman ako. "Maswerte ako kay Drake, hindi siya mapaghanap na boyfriend."

Nag aayos na ako ng mukha ko ng tumingin sa akin si Daisy. "Ang ganda mo, sigurado akong matatanggap ka na nila. Kiss mo ako sa mga in laws natin ha. Sabihin mo love na love ko sila."

"Feeling! Hahaha.. Bawal stress ha? Mga bilin ko sa inyo ni naynay. Huwag matigas ulo mo."

"Opo, daig mo pa si Nay Lourdes."

Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon