Chapter Forty Five

202 6 0
                                    

Song: Ikaw by Regine Velasquez

Drake's POV

Ilang beses nang kinukumbinsi ni Chloe si Tata Oweng pero ayaw pa rin niya. Naaawa si Chloe sa lalaki at baka ma infect pa lalo at lagnatin. Binigyan na nila kami ng pansamantalang tutuluyang kubo. Maaliwalas doon at mahangin. Tinali ko muna si Hope at pinakain. Pagkatapos ay pinuntahan ko na ulit si Chloe na patuloy na nakikipag usap kay Tata Oweng. Dalawang Oweng ang nag uusap sa harap ko, katuwa.

"Papayagan kitang magamot ang anak ko kung maikakasal ko muna kayong dalawa," matigas na pahayag ni Tata Oweng. Nagulat ako pero nangiti ako kay Chloe at kinindatan siya.

"Oh payag na ako hon. Saan po kami pwedeng makasal?" Mabilis kong tugon.

Pinitik naman ako sa noo ni Chloe. "Kalokohan mo."

"Kahit dito na sa bahay ko. Gusto niyo na ngayon? Mukha naman kayong nagmamahalan eh. Bakit pinapatagal niyo pa ang mga bagay bagay. Ikaw iho? Gusto mo ba itong binibini na ito? Kung hindi ay papaligawan ko ito sa anak kong tagapagmana ng lupain ko dito."

"Ay opo!" napalakas ata ang boses ko. "Pasensya na po, pero sa akin na po ang magandang binibini na iyan. Hanap na lang siyang iba."

"Ikaw, Sam, gusto mo bang makasal sa lalaking ito ngayon?"

Tinignan ko lang siya at bumulong siya sa akin, "papayag na tayo? Scam lang naman ito eh noh?"

Binulungan ko din siya, "oo, totohanin na lang natin pag uwi."

"Payag na po ako," sabi ni Chloe at nagtinginan kami at ngumiti. "Salamat po pala sa pagpapatuloy niyo sa amin."

"Walang anuman Sam. Hala, mag ayos na kayo at papahanda ko lang ang kailangan. Magpapaayos na rin ako ng maliit na salu salo natin pagkatapos."

"Ay naku, huwag na po," pigil namin ni Chloe.

"Tradisyon namin iyon. Nandyan lang naman sa paligid ang mga manok at biik." Pagkasabi noon ay mabilis na itong umalis.

Hinawakan ko na lang ang kamay ni Chloe at naglakad na pabalik sa kwarto namin. "Magiging Mrs. Arellano ka na misis. Yehey!"

"Baliw, kunwarian lang ito. Pero I enjoy na natin mister. Magiging misis na ako."

"Oo nga, syempre pagkatapos ng kasal, honeymoon. Buti na lang pinigsa ang lalaking iyon, siya lang pala sagot sa matagal ko ng gustong mangyari. Hahaha."

"Nang dahil sa pigsa, dalawang magjowa, nagpakasal! Magandang headline. Hahaha."

Nagsuot siya ng white dress at ako naman ay nagpants at white shirt lang dahil wala na akong baong damit na white. Pinaghintay na lang niya ako sa labas para makapag ayos daw siya ng maayos. Pagkalabas ay namangha agad ako sa itsura niya. Napakaganda ng magiging asawa ko. Naglagay siya ng pinaikot na mga bulaklak sa buhok niya at hawak ang isang bungkos ng bulaklak.

 Naglagay siya ng pinaikot na mga bulaklak sa buhok niya at hawak ang isang bungkos ng bulaklak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon