Chapter 9

406 33 26
                                    

Chapter 9
Change

I look at her. "Didn't you know that this place is always crowded?" Nakatingin kami ni Amika sa harapan kung saan maraming tao na nasa clubhouse ng lugar nila.

"It's not. May mga pagkakataon na 'walang tao sa lugar na ito, nakikita ko kapag naglalakad ako pauwi sa amin." Pagpapaliwanag niya.

"Tuwing anong oras mo nadadatnang 'walang tao dito?"

Dahan-dahang nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa akin.

Kumunot ang noo ko. "What?" Ano ba 'tong kasama ko, pang-horror booth?

"Tuwing umuuwi ako galing practice at events sa school..." She answered. "Uh... 5-9 pm."

"What?!" Singhal ko.

Napahilamos ako ng palad sa mukha ko. "Kaya naman pala."

Do we have to wait until 5 pm just to have a peaceful practice here?

Kumurba pabaligtad ang labi ni Amika, halatang sobrang lungkot at may malaking problema.

"I'm sorry! Teka saglit."Kinuha niya ang phone niya at stress na stress na nagtipa ng kung ano.

So basically, ngayong umaga ay para sa practice namin sa P.E. ni Amika. At mamayang tanghali naman ay para sa gawaan namin ng Research nila Arsellieus at Luke.

"It's okay. Calm down. Anong klaseng lugar ba 'yan? Clubhouse rin, park, o ano?"

Galing sa pagpipindot-pindot sa phone niya ay bumaling siya sa akin. "Basketball court."

"Edi marami namang basketball players dun?"

Saglit siyang napaisip. "Hmm... Oo."

Napapikit ako. Nagtitimpi. "Then it's a no."

Nakatitig pa siya nang malungkot sa akin bago nagtanong. "Why?"

Tinitigan ko lang siya nang 'walang emosyon ang mukha at hindi sumagot. Mabuti nalang at na-realize niya na rin naman ang ibig kong iparating, kahit na medyo tagilid.

"Oh my God! Oo nga! Maraming mga lalaki dun kaya hindi tayo makakapagfocus!"

Umirap ako. "Tama ka na sa maraming lalaki pero ang pinakadahilan ay hindi tayo makakapagpractice nang ayos kasi maiilang lang tayo sa kanila."

Nag-form ng "O" ang bibig niya at sumang-ayon sa sinabi ko. "Medyo ganun nga ang ibig kong sabihin."

Napahinga ako nang malalim at luminga sa paligid. Sumilong muna kami sa may upuan na may bubong sa banda rito.

Hindi naman ako pwedeng magpumilit na sa kanila na magpractice kahit pa malapit nalang ang bahay niya rito. Ayokong maging mapilit at gawin siyang hindi komportable. Ayoko ring maghimasok sa buhay at problemang mayroon sila sa bahay nila, kung sakaling mayroon man.

Nag-check ako ng unread messages sa group chat namin sa Research. Nagpaalala si Arsellieus tungkol sa meeting namin mamayang 1 pm. Sinagot siya ni Luke hanggang sa napunta ang usapan sa asarang hindi ko maintindihan.

Nagulat ako nang nasa kalagitnaan palang ako ng pagbabackread ay minention na ako ni Arsellieus.

Klint Arsellieus Zandejas: Wow, nag-seen ka. Magpapa-lechon na ba kami?

Napairap ako sa kawalan. Nag-react agad si Luke ng "wow", mukhang hanggang ngayon ay nagsasagutan pa sila sa group chat dahil na-seen agad. Sasagot na sana ako pero may pahabol pa siyang message.

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon