Chapter 25
Stay
"W-What are you saying?!" Napabalik ako sa kinatatayuan ko kanina at hinarap siya.
Umiiyak na siya at paulit-ulit na umiiling. "T-That's not true! And even if it was a joke, that's still not funny!"
Hindi siya nakasagot kaya ako naman ngayon ang umiiling. "L-Luke, please tell me it's not... i-it's not real..."
Tumingin siya sa mga mata ko gamit ang pagod na mata. "I wish I could actually say that..." He shook his head once again. "Sana nga hindi na totoo. Sana nga joke nalang ang lahat."
Napahawak ako sa bibig ko.
Arsellieus... He's not... sick...
Kinilabutan ako.
Am I dreaming?! Masyado na ba akong nalulunod sa mga naiisip ko kaya miski sa panaginip ay puro negatibo nalang din ang mga bumabalot dito?!
Hinawakan ko na parang nagmamakaawa ang magkabilang braso ni Luke. "W-Where is he?"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya bago ako sinagot. "He's in the hospital right now."
Napatulo ang luha ko at mas kinabahan. "T-Take me there... Please... Bring me to him." Halos humagulgol na ako sa harap ni Luke pero 'wala na akong pake. Kailangan kong makita si Arsellieus. Kailangan ko siyang matulungan, kahit na sa sobrang liit na bagay man lang...
Nang bumukas ang elevator ay patakbo kong hinanap ang room na sinabi ng nurse sa amin. Sobra-sobra na ang kabang nararamdaman ko at sinabayan pa ng mabilis na takbo ng puso ko dahil sa pagtakbo.
Nang makita ko ang eksaktong number ng room na sinabi sa amin ay napatigil pa ako sa pagpihit ng doorknob. Kailangan kong ikalma ang sarili ko. Pinunasan ko ang luhang nasa pisngi ko. Tinapik ako sa balikat ni Luke at ngumiti siya sa akin nang tipid bago binuksan ang pinto.
Bumungad sa amin si tita na inaayos ang mga lalagyang puro gamot, at ang paa ng isang taong nakahiga sa kama na hindi pa namin makita kung sino. Napatingin sa amin si tita at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Napabitaw siya sa hawak niyang kutsara na umalingawngaw ang tunog sa sahig.
"M-Ma, sino po ang dumating?"
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses. Ang mahinahong boses niya ay nagkaroon ng bahid ng panghihina dahil marahil sa sakit na iniinda ngayon.
Naglakad ako palapit kela tita, habang si tita ay halos paatras na sa akin. Unti-unti ko rin na nakikita ang buong imahe ng lalaking nakahiga.
And there I saw Arsellieus' pale face. His eyes got widen the moment our eyes met. Parang dagat ang mga luhang dumadaloy sa mata ko dahil hindi ito maubos, lalo na ng makita ko ang mga aparratus na nakasaksak sa kaniya at kung gaano kalaki ang pinayat niya.
How come I didn't notice this? Nanghina ang tuhod ko at gusto ko nalang lumuhod sa harapan niya.
Nagulat siya... hindi... natakot siya nang makita ako. Umiling siya at halos maiyak. Napaatras siya sa kinahihigaan niya.
"W-What are you doing here?"
Bumaling siya sa taong nasa likod ko. "L-Luke! I told you, right? She sh-shouldn't know!"
"But you need her-"
"You don't understand-"
"I do! Kahit hindi mo sabihin, alam kong hinahanap-hanap pa rin ng sistema mo si Orphela! Alam ko rin na siya ang rason kung bakit gusto mong magpatuloy! Kaya, Klint, bakit ko ipagkakait sa'yo yun?! Kahit hindi mo aminin, nararamdaman kong gusto mo pa rin siyang makita... Kailangan mo siya-"
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
Roman pour AdolescentsA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...
