Chapter 22

263 19 5
                                    

Chapter 22
Candidate

Lahat ng mga plano sa group chat ng section namin ay tila gumuho dahil nagsimula na muli ang klase para sa iba sa amin sa unang linggo ng Hunyo.

Chloe: I hate you all! Start na rin ng klase namin next week!

May kasama pa siyang namumula sa galit na emoji. Natawa ako sa reklamo niya sa amin. Siya kasi ang laging nagbubukas ng usapan tungkol sa outing sana namin during summer, pero palaging may sablay kaya hindi natutuloy.

Pagkatapos ng ilang buwan ay nagkita kaming muli nila Amika at Luke. "Good morning!" Bati sa akin ni Luke habang niyayakap ako ni Amika.

"Good morning!" Bati ko sa kaniya pabalik. "Where's Klint?"

Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang girlfriend, sa akin mo hahanapin?" Siniko siya ni Amika.

"He's not replying to my texts." I smiled a little at him. "Just wondering if he's been replying to yours since you're his best friend."

Nagkatinginan sila ni Amika saglit. "Hindi rin kami madalas mag-usap eh... Pero naalala ko, nagyaya ako sa kaniya noong isang buwan na magbasketball pero hindi rin natuloy kasi hindi naman siya agad nakasagot, kaya hindi na rin ako tumuloy noon."

Napatango ako sa kaniya. "Maybe he's just really busy."

"Saan naman?"

"Sa trabaho ng tito at tita niya. Yun ang palagi niyang dahilan eh."

"Sinong tito at tita?"

"Yung doctor at pilot."

"Ah, si tito William?" Nagkibit-balikat lang si Luke at may malalim atang iniisip. "Alam kong pilot ang asawa niyang si tita Marivic at gusto niyang maging ganoon din, pero sa buong dalawang buwan, nasa hospital sila nagtuturuan? Hindi ba siya magiging pabigat dun dahil sa dami ng pasyente?"

"Hmm... Edi kapag day off o break time ng tito niya, sa bahay sila nag-aaral. Or kahit may duty sa pasyente yung tito niya, nag-aaral naman sa office si Arsellieus? Or baka may specific place talaga sila para sa lessons and practices?"

Napatangu-tango si Luke. "Maybe?"

Saktong nagbell na kaya simula na ang flag ceremony. Naghiwa-hiwalay muna kaming tatlo dahil iba-iba ang courses namin.

Si Amika ay Bachelor of Dental Science, si Luke ay Bachelor of Science in Civil Engineering, at ako naman ay Bachelor of Science in Psychology. Si Arsellieus ay paniguradong sa Bachelor of Aviation.

Hinanap ko ang pila ng bagong class ko. 'Walang pamilyar na mukha sa akin. Pero nagulat ako kung sino ang nasa tabi ng pila ng class namin.

"BS in Architecture?" Tanong ko sa katabi ko na agad napatingin sa akin.

Nagulat din siya nang makita ako. Tumango siya. "Oo, ikaw?" Tiningnan niya ang pinakaharap ng pila namin at binasa ang signage. "BS in Psychology?"

"Yeah." I smiled at him. "Long time no see, Jakob."

Napakurap-kurap pa siya bago ako nginitian pabalik. "Nice to see you again."

Nagsimulang tumugtog ang National Anthem kaya napaayos kaming lahat ng tayo at pustura. Halos kalahating oras ang tinagal ng ceremony dahil nagbigay pa ng speech ang mga nasa itaas na posisyon.

"Kumusta?" Napabaling ako kay Jakob na nagsalita sa gitna ng nagbibigay ng speech na principal.

"Ayos naman. Excited at kinakabahan sa college. Ikaw?" I chuckled.

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon