Chapter 23

383 23 16
                                    

Chapter 23
Present

"Hello?"

"Hello, Orphela! Gusto mo bang isama na rin natin ang SSG Officers last school year?"

Napaisip pa ako saglit pero pumayag din naman. "Sure! Mahalagang bahagi rin naman sila ng high school life niya."

"Noted! Ako na ang mag-iinform sa kanila. Bye!"

"Bye! Thank you, Luke!"

"You're welcome!"

Binaba ko ang tawag at inabala muli ang sarili sa pagccompile ng mga videos, audio, at messages ng mga kaklase namin sa 12-1A.

Bukas na ang kaarawan ni Arsellieus, and I want to surprise him. Kaya naman ay nagmessage at nanghingi ako ng mga birthday greetings mula sa malalapit na tao sa buhay niya.

Ilang araw ko nang pinagkakaabalahan itong compilation dahil nilalagyan ko pa ng disenyo, at ang iba rin naman kasi ay hindi sabay-sabay na nagsesend kaya paunti-unti tuloy ang gawa ko. Kahapon ang deadline ng pagpasa kaya konti nalang ang ieedit ko ngayon.

Kinuntsaba ko rin si tita Liezel tungkol dito. Pinakiusapan ko siya na huwag maingay kay Arsellieus sa gagawin namin. Nanghingi rin ako ng video greetings mula sa kaniya. Mabuti nalang at pumayag siya.

Niyakag ko rin na dumalo ang iba. May mga pupunta, ngunit may iba rin na hindi makakadalo dahil busy sa school nila lalo na yung mga nasa Manila. Naiintindihan ko naman at alam kong maiintindihan din ni Arsellieus. Excited na ako!

Kasama ko na sila Amika, Luke, Jakob, at iba pa naming mga kaklase para pumunta sa bahay nila Arsellieus. Umalis sila Arsellieus kasama sila tita kaya 'walang tao sa bahay nila, may panahon kami para makapag-ayos. Mabuti't binigay sa akin ni tita ang duplicate ng susi sa bahay nila, talagang inabot niya pa sa akin noong isang linggo para lang dito.

Nagdesisyon kaming sa living room nalang nila ilagay ang mga disenyo at gawin ang surpresa para bungad agad kapag dumating na sila Arsellieus. Katulad ng ginawa niya sa birthday ko. Napangiti ako nang tipid habang inaalala.

"Ako na." Sambit ni Jakob sa akin at kinuha ang hawak kong banner. Sumampa siya sa bangko para maidikit ito sa dingding.

"Pantay ba?" Tanong niya sa akin.

Umatras naman ako at tiningnan kung gitna at pantay ba ang gawa niya.

"Taas mo kaunti sa kanan."

"Ganito?"

"Hindi, konti pa."

"Ayan?"

"Usog mo sa kanan."

"Oh?"

"Sobra. Balik mo konti."

"Okay na?"

"Ayan! Okay na!"

Bumaba agad siya sa bangko at nagreklamo pa dahil nakakangalay daw ang ginawa niya. Tinawanan ko nalang siya at inabala ang sarili sa pagtulong sa kanila.

Nilagay na rin namin ang mga bitbit na pagkain sa kusina nila. Ang tatlong cake na bitbit ng mga kaklase namin. Spaghetti na luto pa ni Marfa. Ang quesadillas na paborito ni Arsellieus kaya naman nagpatulong pa ako kay mama na gawin ito. carbonara na pinaghirapan gawin nila Luke at Amika. At syempre hindi mawawala ang lumpia na request ng karamihan sa amin.

Naging busy kami sa ilang oras na pag-oorganisa. Halong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon. Sana maging ayos ang lahat.

"Orphela!" Nagulat ako sa sigaw ng kakarating lang na si Fatima, kasama si Caroline.

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon