Chapter 2

908 37 22
                                    

Chapter 2
Heather

Paggising ko pa lang sa umaga, iba na agad ang pakiramdam ko.

How I wish may magandang mangyari sa akin, kahit ngayong araw lang oh.

As usual, nagsuot ako ng jacket. Hindi lang dahil malamig sa classroom, kundi dahil mas may malalim pang dahilan. May gusto lang akong takpan.

Busy sa paggugupit at ayos ang mga kaklase ko. Walang birthday surprise na mangyayari, may event ang school.

It's Nutrition Month at gusto ng mga teachers na magparticipate ang bawat klase sa mga contests na inihanda ng officers ng Student Council. Kahit na Senior High na kami, ay hindi pa rin naiiba ang administration namin sa adminstration ng Junior High namin. Kaya kung may events o contests man ang Junior High, kailangang makasali rin ang mga Senior High.

"Kailangan ng klase natin na sumali sa mga contests about Nutrition Month, taas lang ang kamay kung sino ang willing magparticipate para malista na at mapasa yung form." Pag-anunsiyo ni Klint sa buong klase.

Walang nagtaas ng kamay. Nahihiya siguro.

"May incentives." Dagdag niya pa.

Parang kabute na nagtaasan ng kamay ang iba kong mga kaklase. Basta talaga may incentives sa grades, ang rurupok.

Pinagmasdan ko ang ginawa nilang pagdedesisyon ng klase. Ang mga participants na kasali at ang rules ng bawat contests.

Wala akong sasalihang kahit anong contest. 'Wala namang bago doon. More on academics ako, at hindi Extracurricular Activities.

Mas gusto kong mag-aral nang mag-isa sa tahimik na lugar kesa makihalubilo sa mga tao para magkaroon ng mga bagong kaibigan at prizes.

Napagusapan din ng klase na simula mamayang after class ay gagawa na kami ng costume and props, na para sa Mascot Competition, sa bahay ng kaklase namin na si Mari. May two weeks nalang kami bago magprepare.

Obviously about Nutrition ang theme ng bawat contests, kaya naman para sa aming Mascot, naisip nila na magdesign kami ng B1 at B2 banana constume. Sana maganda ang kalabasan.

Kaya naman nang matapos ang klase sa buong araw ay agad kaming pumunta sa bahay nila Mari. Syempre sasama ako because this the least that I can do para mapakita ang suporta sa klase namin, kahit pa hindi ganon kaayos ang pakiramdam ko.

Nasa loob ng bahay nila Mari ang mga kaklase ko, naglalaro ng kung anong laro sa TV at nagkkwentuhan ng kung anu-ano. Hindi pa kami nagsisimula dahil bumili pa ng materials na gagamitin ang iba naming kaklase, hinihintay pa namin sila at ang mga gamit.

At ako naman ay mag-isang nakaupo sa bench ng veranda nila Mari. Pinagmamasdan ang asul na langit at ibon na nagliliparan dito.

"Want to join us?"

Napatingin ako sa nagsalitang si Klint. Nakatayo siya sa tapat ng pinto at halatang galing sa kakatawa ang mga mata't labi.

"Nagkakaraoke sila sa loob."

Umiling ako. "I'm fine here."

Nilibot ko ang tingin ko sa malaking puno na nasa bakuran nila Mari. Puno ng mangga ata.

"Why do you always like to be alone?" Lumapit sa akin si Klint.

Hindi ko siya binalingan. "Because I find peace within my own self."

Saglit siyang natahimik bago siya umupo sa tabi ko.

"Aren't you scared of being alone?"

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon