Chapter 13

368 26 16
                                    

Chapter 13
Capture

"He looks different when he's announcing like that, noh? Halatang full of viction and determination." Bulong ng katabi kong si Amika sa akin at nakatingin sa harap.

Kumunot ang noo ko at inangat ang tingin sa nagsasalitang si Arsellieus sa harapan. Seryosong isinasaad ang plano tungkol sa gaganaping Intramurals next week.

Kakabalik palang namin galing sa two weeks semestral break, at medyo busy na agad. Bago pa kami mag-field trip ay nagppractice na ang ibang mga kaklase namin, at maging ibang teams, para sa Intramurals, more particularly ang mga nasa Cheerleading Category.

As usual, 'wala akong sinalihan dahil hindi naman ako mahilig sa sports. Si Amika ay napilitang sumali sa Volleyball Girls dahil kulang ang team namin. At dahil pito kami sa section namin na hindi kasali sa Intramurals, kami ang gagawa ng documentation.

Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang paglalagay ng battery sa DSLR Camera na gagamitin ko pang-documentation. Dalawa ang magppicture, tatlo ang gagawa ng article, at dalawa rin ang mag-eedit at maggagawa ng hard copy at soft copy.

"Any questions, clarifications, or suggestions?"

Rinig kong tanong ni Arsellieus biglang pagtatapos sa anunsiyo niya.

"Ano palang sports natin para sa Mr. and Ms. Intramurals ng section natin?" Tanong ng secretary namin.

Nagbulungan at bigayan naman agad ng mga suhestiyon ang mga kaklase ko. 

"Masyado na kasing common ang basketball at volleyball, pero kayo bahala, kung payag ang representatives natin." Sagot ni Arsellieus sa nagbigay ng opinyon.

"I agree... What do you guys think about swimming or car racing?" Chloe, our muse, said.

"I like the second one." Jasper, our escort, replied.

"Oh, I thought you like me." Sagot ni Chloe sa kaniyang boyfriend na agad kinantyawan ng iba.

"I don't like you. I love you."

"Boo! Mamaya na honeymoon niyo! Meeting muna!" Sigaw ng isang lalaki sa amin at tinawanan lang siya ng dalawa.

Mabuti nalang at bumalik agad ang usapan sa sports. "Same, maangas 'yung car racing."

"Swimming para mas lalong mag-init ang mundo!"

Sunud-sunod na puri at pilian ng mga kaklase ko. 

"Swimming and then one piece. Bagay sa inyo, lalo ka na," Puri ni Monica sa muse at escort.

"Botohan nalang. Ayos lang ba kayo sa dalawang options o may idadagdag pa?"

"Okay na 'yon! Ready na boto ko." They all agreed to Luke.

Nagsimula na ang botohan. Pinataas ang mga kamay ng may gusto ng swimming, at pagkatapos ay ang sa car racing. Mas marami ang pumili sa pangalawa, na siya ring binoto ko.

"Next year, kung dito ulit kayo magccollege at kung magkakaklase ulit tayo, swimming na sportswear natin sa muse and escort ah." Natatawang sambit ng secretary habang binibilugan ang nanalong sportswear.

Nagtawanan ang iba, at ang iba'y nalungkot.

Now, I wonder what will be our lives next year, and for the next years too? Will it be different from where we are right now? Or it will still be the same, still struggling to live? 

"Tama na! Marami pang buwan, kaya sulitin natin bawat araw na magkakasama at masaya!" Ani Marfa.

"Sus! Tama na, eh ikaw nga mas nagpadrama!" Biro ni Katie.

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon