Trigger Warning!
Contains sensitive scenes. Suicidal attempts / Self-harm / Theme / LanguageRead at your own risk.
Chapter 7
SecretsTahimik akong kumakain ng lunch mag-isa sa table sa canteen nang gambalain ako ni Arsellieus.
"Himala, kumain ka." Aniya sabay upo sa harapan ko.
"Kumakain naman talaga ako." Sabi ko bago sumubo muli ng kinakain ko.
"Madalas nga lang na hindi." Sagot niya na agad kong inismiran. Nagpatuloy lang din siya sa kinakain at binalewala ang matalim na titig ko.
Maya-maya lang ay may tumapik sa balikat niya. May dala-dalang tray si Luke.
"Pede bang makiistorbo?" Tanong niya.
"Istorbohin mo mukha mo." Umusog naman si Arsellieus para makaupo sa tabi niya si Luke.
"Hi, Orphela." Ngiti sakin ni Luke.
Tinanguhan ko lang ang bati niya. Mabuti naman at nagkwentuhan sila ni Arsellieus tungkol sa ibang bagay kaya payapa akong nakakain.
"Orphela, sama ka sa field trip natin?" Biglang tanong ni Luke.
Napatingin sa akin si Arsellieus, mukhang naghihintay din ng sagot.
I shrugged. "Still not sure."
"Masaya 'yon! Last year, pinayagan kaming mag-swimming sa beach resort nila eh, kaya for sure papayagan din tayo this year." Masayang banggit ni Luke.
"May incentives din kapag sumama. Unlike kapag hindi nakasama, gagawa ng report tungkol sa kung anong bagay na maisip ng professor." Iling niya pa bago uminom sa bottled water niya.
"I'm fine with that." I said.
Napatingin siya sakin habang umiinom. Hinintay ko siyang matapos para makapagsalita siya muli.
"Kahit three reports, with 5 paragraphs each? You serious?"
I nodded.
He chuckled. "Well, you're the valedictorian kaya hindi na nakakagulat."
I sip on my green tea.
"But don't you want to try hanging out with us? You know... Having fun?"
I look at him again.
"Tama na 'yan. Magulang ka ba niya, kung makapilit ka ah." Masungit na titig ni Arsellieus kay Luke.
Natawa si Luke sa reaksyon ni Arsellieus. "Bro, I'm not forcing her. Nagtatanong lang ako."
"It's okay. I'm kinda interested to his questions anyway." I said.
Arsellieus looked at me with amusement in his face. Napabalik ang tingin niya kay Luke na natatawang muli.
"See? Curious lang naman kami pareho. Besides, isn't it much better kung magkaroon siya ng friends or even just acquaintances? You need to calm down, Mr. President."
Sinapak ni Arsellieus si Luke sa dibdib. Luke seems to be having fun and I don't know why.
Nag-asaran pa ang dalawa at nanonood nalang ako sa kakulitan nila. Nakapagbato pa ng mga biruan na miski kabilang table ay natawa. Hindi ko mapigilang mapangisi.
"Absent daw si Dr. Alva, may dalawang activities siyang ipinapasubmit for next meeting." Ulat ng secretary namin pagkapasok namin sa classroom nila Arsellieus at Luke.
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
Teen FictionA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...