Chapter 26

329 20 7
                                    

Chapter 26
Safe

Mama's worried face gazed at me early in the morning while I can't even barely eat anything on my plate. Nang maramdaman ko ang pagtatagal ng titig niya ay umayos ako nang upo at sinimulang isubo ang kanina pang kanin na nasa kutsara ko.

It's been weeks since they both knew about Arsellieus' condition. At sa mga nagdaang araw at linggo, hindi rin sila nagtanong sa akin pa kahit pa ramdam ko ang pag-aalala nila.

I was supposed to get ready and go to the hospital since it's Saturday, but Arsellieus is in the middle of Chemotherapy session so as much as I want, I just couldn't.

Kinakabahan ako pero malakas ang pananalig ko sa Kaniya at kay Arsellieus. Kaya nilalabanan ko ang mga negatibong naiisip ko.

Tumayo si mama nang matapos na siyang kumain at dinala sa lababo ang mga pinagkainan. Sobrang tahimk ng paligid na mga tunog ng plato, kutsara, tinidor, at baso nalang ang maririnig mong gumagalaw. Maski ang pagkain ni papa ay tahimik lang din.

"Arsellieus is a great guy." Mama suddenly said out of nowhere.

Hindi ako nagsalita, kahit pa gusto kong tumango. He really is. And that's one of the many reasons why I admire him.

Pinatay ni mama ang gripo at narinig ko ang paglapit niya sa gilid ko. Dahan-dahan siyang umupo sa silang katabi ko.

"He will be alright."

Kahit pa hindi ko siya tinitingnan ay alam ko na agad na ako ang sinasabihan niya.

Tumingin ako sa mukha niyang nagbibigay pag-asa sa aking nararamdaman. I slowly smiled back at her. "O-Of course... He will be."

Hinaplos niya ang ulo ko at para itong sinusuklay nang marahan. I want to cry on her shoulders and make her reassure me that everything's going to be fine.

"I like him for you." Ngumiti siya at nakitaan ko ng kaunting kislap ang mga mata niya.

"You don't know how much I like him." I whispered and smiled intently at her. "He have loved and accepted me for who I am." My voice is telling me that I'm being vulnerable right now.

Inaalala ko ang mga ginawa niya sa akin na ngayon ko lang ata naappreciate. How stupid of me to take everything for granted. I was ignorant and selfish. I didn't think about his feelings too.

"He knows me really well, ma, pa..." Pagmamalaki ko. I chuckled to hide my sadness away even though I know I just failed, "He just not knows my favorite color nor ice cream flavor, but he also knows the depth of my soul."

One thing that no one has ever done to me. Not even my family, not even my friends. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin kayang manumbat sa kanilang lahat.

"He knows that I don't believe in love... but he still made me feel loved."

Nanatili ang tingin sa akin ni papa at hindi na ginalaw pa ang pagkain. Tumulo ang luha sa pisngi ko na agad pinunasan ni mama. "He stayed with me... despite everything... And I truly love him for that."

Napahawak na ako sa pisngi ko at napahagulgol na parang isang bata na hindi napagbigyan sa isang gusto, kaya nagagalit sa mundo. Niyakap ako ni mama at hinahaplos ang likod ng ulo ko para patahanin. Naramdaman ko rin ang presensya ni papa sa likod ko at tinatapik ang likod ko.

I want him to share his pain to me, just like what he wanted to do with mine before. It sucks that I can't do anything to ease his pain.

Ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko gabi-gabi ay balewala sa mga sakit na nararamdaman ni Arsellieus araw-araw.

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon