Trigger Warning!
Contains sensitive scenes. Self-harm / Theme / Language
Read at your own risk.
Chapter 1
Cyclamen
Nagising ako mula sa isang panaginip na hindi ko maalala.
'Wala pang isang minuto akong mulat ay nakalimutan ko na agad kung ano ang napanaginipan ko. Ipinagkibit-balikat ko nalang ito.
'Wala akong ganang pumasok sa eskwelahan. Don't get me wrong, I know school is important. Pero ganoon din dapat ang mental health, di'ba?
I'm aware of what my face looks like right now. Maga ang mata at may eyebags.
Let's just say hindi ako nakatulog nang maayos. Well, obvious ba?
Maaga akong nakarating sa school. Kahit pa ayoko sa school, mas ayoko naman sa bahay. I don't know where else to go, so...
Akala ko wala pang tao sa classroom pero nagkamali ako. Halos lahat ata ng mga kaklase ko ay andito na.
Lahat sila ay may ginagawang kung ano. Decorate dito, decorate doon. Hindi ko alam kung anong meron.
"Orphela, gusto mong mag-gupit din ng mga pang-decorations?" Tanong sa akin ni Aya, kaklase kong babae na mukhang happy-go-lucky palagi.
I have no choice. Hindi ako sumagot, pero lumapit nalang ako sa kaniya sa teacher's table at kinuha ang mga cartolina at gunting na tinutukoy niya.
Bumalik ako muli sa upuan ko na nasa dulo pagkatapos. Lahat sila ay nasa harapan at nagkkwentuhan.
Ginaya ko ang design na ginagawa ng iba at tahimik na naggupit. Binibigay ko agad nang walang imik kay Aya ang mga nagawa ko kapag nakakatapos.
Fifteen minutes before mag-bell nang may nagsusumigaw na pumasok sa room.
"Andyan na siya!"
It's the class and Student Council's President, Klint Arsellieus Zandejas.
Hindi sila magkandaugaga na idikit ang mga nagawa nila at maghanda ng kung ano sa teacher's table at white board.
Happy Birthday!
Basa ko sa nakalagay na letra sa board. Binigyan din ako ni Aya ng birthday hat nang mapansin niyang ako lang ang wala sa lahat ng magkakaklase.
Para hindi sumama ang loob ng mga kaklase ko ay sinuot ko nalang din iyon nang walang sinasabi.
Pinatay nila ang ilaw at tumahimik. Lahat sila ay handa at may plano, habang ako ay nakaupo lang sa upuan ko at hinihintay ang mga susunod na pangyayari.
Maya-maya pa ay may nagbukas ng pinto at binuksan ang ilaw, dahilan kung bakit pinaputok na nila ang party poppers at sabay-sabay na sumigaw, "Happy Birthday!"
So it's Kim's birthday, our classmate na isa pa ring happy-go-lucky. I sighed.
May mga ganitong tao pa pala. Pinaghahandaang mabuti at nagssurprise sa may kaarawan.
I'm sure the birthday girl is very happy right now. I can't relate.
Gulat na mukha ang ibinalandra ni Kim sa klase. Agad siyang nagpasalamat sa buong klase dahil sa nangyari.
Nagkantahan sila ng happy birthday song at tumawa ang birthday girl dahil dito.
Hinipan niya ang cake na inihanda sa kaniya na nasa teacher's table. Nagpalakpakan muli ang mga kaklase ko.
Happy birthday, Kim. I hope you are truly happy and well. I said to myself.
Tumingin ako sa bintana na nasa tabi ko. Berde at asul. Mangha pa rin ako kung paano naging ganito kaganda ang paghahalo ng berde, asul at puti sa iss't-isa. Kung paanong nagbabalanse ang kulay at wangis ng mga dahon sa ulap.
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
Novela JuvenilA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...
