Chapter 27

299 18 11
                                    

Chapter 27
Nightmare

I know I have been distracted by Arsellieus' condition, kaya kailangan kong bumawi sa mga na-miss kong school activities and requirements. And I'm really thankful to the support of my classmates, friends, and even some schoolmates of mine. 

Nagugulat nalang ako na pinapahiram nila ako ng notes nila para sa mga na-miss ko raw na lessons. I'm very thankful for them. Although the feeling is still new to me, unti-unti na rin naman akong nasasanay. 

To think na dati ay parang ako ang 'walang pakeng estudyante sa kapwa niya estudyante. Tapos ngayon, ako pa ngayon ang tinutulungan ng iba. Nagsisi tuloy ako na hindi ko masyadong kinilala ang iba. 

It's okay to be open sometimes, to ease the burden, I guess. But on the other hand, it's also okay to be private on your personal life too. There is nothing wrong in both ways. You can freely do either the two. We all have different reasonings, so it just depends on people's contemplatives and emotions.

Kaya naman sobra ang galak at pasasalamat ko sa kanila noong natapos ang unang taon ko bilang Freshman. Alam kong masyadong mabilis, pero hindi ko na naiisip ang oras dahil sa dami ng naiisip at ginagawa. Kailangan kong pagsabayin ang pag-aaral at ang sariling mga problema. Kailangan kong alamin kung ano ang mga dapat na inuuna at hinuhuli. Mahirap siya lalo na sa mga unang buwan lalo pa't hindi ako sanay. Pero nang makagawian ko na ay naging petiks nalang ang lahat.

My role as Freshmen President wasn't really hard. In fact, nagkaroon pa ako ng mga taong matuturing ko na ring mga kaibigan. Parang katulad lang ng mga ginawa noong Senior High ni Arsellieus. Maraming activities at programs lang na hinahanda, pero hindi ko na naiisip ang hirap dahil sa mga kasama ko.

Ang nabuong Organization sa Student Council ay parang grupo ng kaibigan lang kung magtulungan sa mga proyekto ng school. Masyado silang mababait at matulungin para magreklamo sa mga tambak na gawain na pinapapasa ng mga faculty members. Pero kahit ganun, hindi pa rin kami makareklamo dahil kami mismo ay nag-eenjoy din sa oras na kasama ang isa't-isa.

"Elena became one of my closest friend among the Student Council members," I said softly as I feel Arsellieus' fingers slowly combing the strands of my hair.

Nakapatong ang isang paa ko sa paa niya at ganoon din siya sa akin habang nakahiga kaming dalawa. Ginagawa ko namang unan ang isang balikat niya habang marahan akong nakayakap sa dibdib niya.

Nag-aalangan pa ako nung una dahil baka mahirapan siya o 'di kaya ay mabigatan sa akin, ngunit nagpumilit pa siya na ayos lang. Pinapakiramdaman ko rin naman ang bigat ko lalo pa't namamayat ang katawan niya, para hindi siya mahirapan.

"Hmm, the one that you've mentioned before? Your Vice President?" Malumanay niyang tanong sa akin.

"Yup. Nakilala niya na rin sila Amika," tumingin ako nang bahagya sa kaniya, "I'll let the two of you meet too."

He kissed the top of my head, "Sure. I'd like to meet everyone special to you."

Napangiti ako at tumingin muli sa kurtina ng bintana niyang hinihipan ng hangin mula sa labas.

"She's a year older than me, pero matured na kung mag-isip," pagkkwento ko.

Elena became one of my closest friend amongst the student council members. Like I said, she's the Vice President of the Freshmen Student Council Organization. Totoong mas matanda lang siya sa akin ng isang taon, kaya naman hindi nakakagulat kung nakakapag-advice siya ng kung anu-ano.

At ang babaeng 'yon, noong pinakilala ko kay Amika, ay agad silang silang naging close dalawa. Noong una, katulad ng unang pagkikita namin ni Amika, nahihiya pa siya. Pero dahil sa halos araw-araw naming pagkikita ay naging matalik na magkaibigan na rin ang dalawa. Minsan nga ay nakakasabay rin namin pati si Carmein. Sa kabila ng apat na babaeng nakapaligid sa kaniya, hindi naman nawalan ng gana si Luke dahil nakakasabay naman siya madalas sa usapan namin. At isa pa, kasama rin namin si Jakob.

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon