Chapter 33
ManHindi ko alam kung bakit palaging pumupunta sa bahay namin ang kaibigan nila papa, kahit pa may sariling bahay naman sila. At maging kami, halos dalawang beses sa isang buwan ata ay palagi kaming bumubisita sa bahay nila.
Lalo na netong nagdaang dalawang linggo, palagi silang nandito sa amin dahil may hinahandang selebrasyon ang mga magulang ko.
Hindi ko magawang magsaya dahil ayoko rin namang nakikisalamuha sa ibang tao lalo pa kung hindi ko naman lubos na kakilala.
"Lucianno."
Tawag sa akin ni mama habang papalapit sa akin at may bitbit na chocolate ice cream na nasa cone.
"I want vanilla." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig ng veranda at sinuri pa ang itsura ng tsokolate, baka sakaling may vanilla sa may ibabang parte ng cone.
"Nako, ubos na. Teka magpapabili pa ako kung gusto mo–"
"You can have mine."
Napatingin ako sa batang nakasuot ng pang-piloto at abot pa hanggang mata ang suot na sumbrero kaya naka-angat siya ng tingin sa amin para makakita.
Lumapit siya sa amin at inabot sa akin ang ice cream na nasa cone at vanilla ang flavor. Nasarapan agad ako na nakalimutan ko saglit kung bakit ayaw ko sa bahay na ito.
Bumaling ako sa kaniya at hindi nagpaakit sa masarap na vanilla. "No, thanks."
Kinuha ko ang cone na hawak pa rin ni mama at tumalikod sa kanila.
"B-But you like vanilla flavo–"
"I never said that I don't like chocolate though." Sagot ko at umupo sa dulong bench kung saan 'wala masyadong tao.
"It's okay, Klint. Thank you for sharing..." Hindi ko na narinig pa ang buong sinabi ni mama sa batang lalaki dahil sa bilis ng paglalakad ko palayo at sa ingay ng mga batang naglalaro sa dinaanan ko.
Ang daming makukulit na bata ang nandito ngayon dahil sa mga bisita namin. Costume party pa ang naisip na theme sa 7th birthday ko kaya puro mga pamilyar na superheroes, iba't-ibang uri ng nilalang, at kung anu-anong uri ng trabaho ang suot ng mga bata.
Tinanggal ko ang suot kong puting hard hat pagkaupo, dahil ayokong masyadong magaya sa trip ng iba.
Kinain ko ang ice cream na bigay sa akin. I really prefer vanilla than chocolate. I don't know why.
Napasinghap ako ng makitang nadapa ang isang bata kakatakbo sa mga kalaro. Nagtawanan tuloy sila. So lousy.
Nasaan na ba si papa? Ugh, magsasabi nga ako na gusto ko na matapos itong party kapag nakita ko siya. Mas makikinig siya sa akin, hindi katulad ni mama na sobrang nag-eenjoy makipag-usap sa mga kaibigan nila. I am thankful that they prepared a party for me though, it's just that I'm not in a mood right now.
February 7, my 7th birthday. And I'm here having a 'great' time of my life. So great that I jut want to sleep!
Nakita ko sa katapat kong patio ang batang lalaki. Para akong sinapian ng lamig na kinakain ko ngayon nang magtama ang tingin namin. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.
Napakakulit ng batang 'yan. Hindi ko kayang makisabay. Hindi ata nawawalan ng kalaro bawat araw na bumibisita kami rito sa bahay nila.
Naubos ko na ang kinakain ko ay ang hindi ko pa rin matanaw si papa. Nababagot na ako. Tumingala ako sa langit at nilagay ang hard hat sa mukha ko para 'walang makagambala sa akin.
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
Teen FictionA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...