Chapter 24

369 22 20
                                    

Chapter 24
Need

Nawalan ako muli ng gana sa kahit na anong bagay. Sa bahay, sa pag-aayos ng sarili, sa pagpasok sa eskwelahan, at sa lahat. Pakiramdam ko may nagawa akong mali at 'wala akong magawa para maitama yun.

Yung tipo bang akala mo tapos ka na umiyak, pero may natitira pa rin palang luha sa loob mo.

I feel sad. A different kind of sadness from before. It's more like being broken. Unlike before that I was just torn between feeling empty and longing.

Now, I already know that I am feeling a certain kind of ache, of brokenness.

At hindi rin kagaya noon, purong sakit lang ang nararamdam ko ngayon. 'Walang galit. Pagkadismaya, mayroon pa. Ngunit kahit konting inis? 'Wala.

I can get crushed into pieces because of him, but I can't still get mad at him.

Call me foolish, but my love will always overpower anything, I presume.

However, it's crazy for me to hope that we can still get our ways back to each other.

But even if it doesn't happen, I will still respect him. Isang bagay na hindi ko ipagkakait sa kaniya. He will always hold a special place in my heart. Not just because he's my first love, but supposedly because he's the first person who have made me feel and understand things.

I've always thought that people are meant to stay with each other no matter how tough things are, but I was wrong. Relationships, in various forms that it may be, are meant to respect each other's feelings and decisions no matter what.

Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan sa isang bagay na sobrang pinahalagahan mo na?

Iniisip ko noon na kaya kong sumaya muli at kalimutan ang lahat ng hinagpis ng nakaraan, pero nang magawa ko na, parang umulit lang ako sa simula.

Iyak. Tahan. Iyak. Tahan.

Hinayaan ko lang ang sarili kong iiyak lahat ng sakit. Ayoko nang kimkimin muli lahat ng nararamdam ko sa loob ko dahil bukod sa masakit siya sa puso, ay malaking problema pa rin lalo siya sa mga iniisip ko.

Hindi ko na rin binilang kung ilang araw at gabi na akong ginagambala ng nararamdaman kong ito. Pero hindi ko hinayaan ang sarili ko na maapektuhan nito ang performance ko sa school.

Ginawa ko itong motivation ko para maging busy at hindi maisip ang lahat ng negatibong nararamdaman. At para mas magamit sa tamang paraan ang mga sakit, para mas mapabuti ang sarili ko.

Sa tuwing nasa eskwelahan ako, kahit pa hindi ako sobrang ayos, ay inaabala ko nalang lagi ang sarili ko sa mga tambak na gawain. Mabuti na rin pala at na-nominate ako bilang President ng Freshmen year, mas nagkaroon ako ng dahilan para makahalubilo sa iba at makilala ang sarili ko.

Unti-unti ko ring nakilala ang iba kong mga kaklase, lalo na si Carmein. She's an only child like me kaya siguro nagtugma agad ang ugali namin. Nagkaintindihan agad kami. Ang iba kong mga kaklase ay nakipagkaibigan rin sa akin, at ayoko silang tanggihan, dahil nakita ko naman na mababait sila.

Hindi ko rin inaasahan na pati ibang section ay makilala ako, at makikipagkilala sa akin. Maybe it's one of the perks of being a candidate for Presidency?

Nagsimula ang kampanyahan at lahat ng mga rooms and section sa Freshmen. Pinuntahan ko sila para magpakilala, ganun din ang nabuo kong partido.

Kahit pa natatakot ako, ay umasa pa rin ako na makikita ko siya sa isa sa mga room ng mga taga-Bachelor of Aviation. Kaya nang makitang 'wala siya doon, ay nasaktan pa rin ako.

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon