Chapter 17
HeartLove is indeed hard to understand most of the times.
All I ever wanted was the love from my family and some peace of mind, but He gave me something that I didn't even expect to happen.
Do I deserve love?
I know for sure that if I ask my mind, it would only tell me logical fearless redemptions, but if I ask my heart, it would tell me otherwise.
Can I genuinely love someone else when I couldn't even love myself?
Should I trust the process even though things are still uncertain?
There are so many questions and doubts lingering inside my head and I don't even know where can I find the answers for them.
Why can't our hearts and minds ever agree to same things?
In the end, I only left him, not knowing what to do in that moment.
"Orphela! How are you?" Bungad na tanong sa akin ni Amika pagkaupo ko palang sa upuan ko. Napansin niya siguro na mas okay na ang itsura ko, hindi katulad kahapon na putlang-putla.
Tumakbo pa siya papunta sa akin kahit na kausap niya ang mga kaklase namin tungkol sa isang palabas. Napatingin ako sa kaniya. "Y-yeah."
Umupo siya sa upuang nasa tabi ko. Mabuti nalang at 'wala pa si Marfa kaya nakaupo siya.
"Pasensya na pala hindi ako nakapunta sa birthday ni tita. I hope you had fun." Dagdag ko pa.
"Masaya si mama... pero mas masaya sana kung andun ka. And she really wants to meet you." She replied.
Ngumiti ako ng tipid sa kaniya. "I'm sorry."
Umayos siya ng upo at ngumiti sa akin para mag-iba ang atmosphere. "Oh, don't worry! Next time then?"
I nodded at her. "Next time."
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at nagtama ang tingin namin ni Arsellieus. Nakasandal siya sa teacher's table at napapaligiran ng mga kaklase namin. Tanging siya lang ang hindi nakikinig at nakatingin sa ibang direksyon, sa akin.
"Nga pala, hindi na rin kami nakabisita kay Arsellieus last Saturday." Napabalik ang tingin ko kay Amika. "Kasi nagulat kami na magaling na agad siya, kaya kaming tatlo na yung nakaattend sa birthday ni mama."
"R-really?" She nodded at me. "That's g-good to hear." I added.
"At nga pala, saan mo balak mag-college? May mga nag-apply na ng application sa Manila, pero mayroon din ang dito pa rin magpapatuloy sa college."
"I'll stay here. Maganda raw ang course na natitipuhan ko sa school natin eh." I answered.
"Really?! Same! Dito rin ako sa college!" I smiled when Amika smiled at me.
Bumalik muli ang tingin ko kay Arsellieus at naabutan pa rin ang titig niya sa akin. Tinapik niya ang balikat ng kaibigang si Luke at agad nagdire-diretso ng lakad papunta sa banda namin. Sumunod sa kaniya si Luke.
Umiwas ako ng tingin at binaling nalang ito sa librong magkapatong na nasa table ko.
I can't face him... Not now...
"Hey." Napabaling ako kay Jakob na biglang sumulpot sa gilid ko. "Kumusta?"
"O-Okay lang."
"Hindi ka marunong magsinungaling." Nanliit ang mata niya sa akin.
Pinantayan ko ang titig niya. "Edi, kung anong nasa isip mo, yun na yon."
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
Fiksi RemajaA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...