Chapter 10

430 31 18
                                    

Chapter 10
Fall

Tuwing break time at lunch time namin ay nag ppractice kami ni Amika sa Music Room. Nagpaalam kami sa adviser na nangangalaga sa room na ito at mabuti nalang ay pumayag siya.

Naisip namin na tumugtog ng piano habang kumakanta. Napag-usapan din namin na ako ang kakanta at siya naman ang tutugtog ng instrumento.

Nagulat ako nung una nang magpresenta siyang tutugtog ng piano. Nang narinig at nakita ko kung gaano siya kasaya sa tuwing pinipindot ang mga keys ay mas ginaganahan akong pantayan ang excitement niya sa performance.

Kabisado na naman namin kahit papaano ang chords at lyrics dahil halos magtatatlong linggo na kami naghahanda para dito.

"D, A, C sharp, A, D, A, E" Bulong ni Amika sa sarili habang tinutugtog ang intro ng kanta.

Pinakinggan kong mabuti ang tunog bago nagsimulang kumanta. Lagi siyang tuwang-tuwa kada naririnig akong kumanta. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Kaya naman nang natapos ang kanta ay pumalakpak siyang muli, kagaya ng palagi niyang ginagawa.

"Ngayon ko lang naisip tanungin, do you know how to play instruments?" Tanong niya sa akin pagkaayos namin ng mga gamit at palabas na sa music room.

"I know how to play guitar and ukulele. Pero mas gamay ko nga lang ang ukulele."

"That's nice! I only know how to play piano. I've been thinking of learning how to play guitar too."

"I wish I could tell you that I can help you with that but I'm not a pro so..." I shrugged.

She chuckled. "That's okay! You're still very talented! Imagine being good at playing an instrument and singing." Itinaas niya ang kamay niya sa ere na para bang nabibiyayaan ng kung ano ng langit.

I make a face at her. "You're great too! I don't even know how to play piano."

We argued and praised each other's talents for about 10 minutes. Hindi siya tumatanggap ng papuri at ganoon din ako.

Nakarating kami sa classroom nang ganun pa rin ang usapan. Nakatayo siya sa harap ng lamesa ko habang ako naman ay nakaupo na.

"Orphela, pinatawag yung leaders ng bawat group sa Research kaso 'wala ka kaya si Arsellieus nalang yung pumunta." Natigil ang pag-uusap namin ni Amika nang lumapit si Luke.

"Ayos lang 'yan, assistant leader naman siya. Bakit daw ba pinatawag?"

"Bubunot daw ng numbers, para malaman kung sino mauuna sa Defense next week."

Tumango ako. "Anong number ang gusto mong mabunot natin?" Tanong ko.

"Syempre 11!" Sagot niya. That's the last group or last number. "Ikaw ba?"

"First 5 if possible."

"Huh?! Confident! Napaghahalataang pabigat lang ako sa grupong 'to ah!" Madrama siyang naghilamos ng palad sa mukha. Natawa si Amika sa reaksyon niya.

"Para tapos na agad. Habang mas matagal tayong maghihintay, mas kakabahan lang tayo." Eksplanasyon ko.

"May point." Tumango si Amika.

"Tsaka hindi ka naman pabigat. Ang dami mo ngang naibigay na ideas at nagawang tasks eh." Dagdag ko pa.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang palad sa mukha niya. "Talaga?" Nakangiting banggit niya.

Tumango ako sa kaniya at mas lalong lumawak ang ngiti niya. Baliw talaga.

"Anong kaguluhan 'to?"

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon