Chapter 20
CandleI woke up and quickly checked the time and date.
April 7. 7:10 am.
Ilang saglit ko munang tinitigan ang date, bago naisip na mahalagang araw pala ito sa akin.
Napabaling ako sa bintana at nakitang kulay lila at asul ang langit. Tumayo ako agad at binuksan ang bintana.
Nagdesisyon akong kuhaan ito. Napangiti ako nang makita ang ganda nito sa camera ng phone ko. Ilang sandali pa ay naisip ko na rin na i-post ito sa Instagram ko. "7:11" ang caption na nilagay ko.
I think this is the first time that I'll post something on my social media account after almost half a decade?
I can't help but to smile more as I stare at the dramatically cloudy sky. Pinikit ko ang mga mata ko para maramdaman ang sarap ng sariwang hangin at tahimik na paligid.
Tumunog ang phone ko nang dalawang beses kaya napabaling ako dito. Hindi ko alam na naka-follow pala siya sa akin dito. Nag-notify na ni-like ni Arsellieus ang post ko, at nag-direct message rin siya sa akin.
Arsellieus: Good morning! *with sun cloud emoji* First post mo sa account mo ah?
Me: Good morning. Yup, I like to keep things in private.
Arsellieus: Fair enough. I like it better when my face is in your wallet rather than on social media.
Napairap ako sa reply niya.
Me: Keep on dreaming.
Arsellieus: More like 'Keep on loving'.
Me: Ang aga-aga, ang dami mong banat. Sarap mong banatan.
Arsellieus: Sarap mong mahalin.
Isa pa, ibabato ko na talaga 'tong phone na hawak ko ngayon dahil sa tawa at cringe.
Me: Bahala ka d'yan! Bye.
Mabuti naman at hindi na siya umulit pa. Nagreply lang siya ng maraming tawa.
Binisita ko ang profile niya at ni-click ang 'Follow Back' option. Hindi rin siya pala-post katulad ko. 15 posts lang ang mayroon siya, at sa loob na 'yon ng 3 taon.
Natigil ang tingin ko sa pinakauna niyang post, tatlong taon na ang nakakalipas. City lights with stars and half-moon in the sky. Ang kuha ay sa tingin ko mula sa isang mataas na lugar. Maganda ang kuha kaya namamangha akong talaga. May isang pamilyar na caption na nakalagay, "The world is beautiful, isn't?"
Parang narinig ko na ang katagang iyon. Sa pelikula? Sa radyo? Sa isang telenovela? Sa kalsada? Hindi ko alam. Pero pamilyar talaga siya sa akin.
Ipinagkibit-balikat ko nalang ito. Nagpasya akong maligo muna bago lumabas ng kwarto, katulad ng palagi kong ginagawa.
Naabutan ko sila mama na nasa kusina at si papa na tinutulungan siya sa paghihiwa ng kung anong gulay.
"Good morning po." Bati ko sa kanila. Napatingin sila sa akin at binati ako pabalik.
"Ang aga mo nagising. May lakad ka ba?" Tanong ni mama sa akin habang naggagayat ng bawang.
Saglit akong napakurap-kurap bago sila binigyan ng tipid na ngiti. "'Wala naman po. Maaga po talaga ako nagigising."
Nginitian rin ako pabalik ni mama. "Ganoon ba? Mabuti para sa'yo 'yan." Aniya bago inutusan si papa na kuhanin ang kalang gagamitin.
Pinagmasdan ko silang dalawa saglit bago nagpasyang maglakad nalang pabalik sa kwarto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/222754091-288-k766668.jpg)
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
Teen FictionA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...