Chapter 11
Friends"Paano kapag ayoko?"
Lunch break namin at nasa pang-apatang lamesa kami sa canteen. Isang buwan at mahigit na rin akong pinipilit ng mga 'to na sumama.
Sa isang camp and resort magaganap ang fieldtrip. Yun ang nanalo sa botohan, laban sa amusement park o Enchanted Kingdom. Two days and one night.
Bumuntong-hininga si Luke. Tinapik siya sa balikat ang kumakain sa tabi niyang si Arsellieus. "Ikaw na bahala, bro."
"Kapag hindi ka sumama, edi hindi rin ako sasama!" Sagot naman ng katabi kong si Amika.
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at bumaling kay Amika. Really?
Napansin niya yatang nagtatanong ang mga mata ko kaya tumango siya na parang aso, parang sinasabi na oo, oo, oo. Paulit-ulit.
"Paano naman kapag sumama ako?"
Nag-iba ang reaksyon niya. Napalitan ito ng ngiti. "Edi sasama ako and we'll both enjoy the trip!"
Bumaling muli ako sa pagkain ko. "Pag-iisipan ko."
She groaned. "Ilang beses mo na 'yan sinasabi!"
Bumalik ang tingin ko sa kaniya nang ilang saglit. Sa dalawang buwan naming pagsasama, ngayon ko lang siya nakitang mainis. Napangisi ako, mas gusto ko pa tuloy siyang mainis.
"Bigyan mo 'ko ng oras." Sinubo ko ang pagkain at in-enjoy ito na para bang 'walang bata na nagrereklamo sa gilid ko.
"Orphela, isang buwan na kitang kinukulit. Sa isang linggo na yung fieldtrip pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin nakakapagdesisyo–"
I cut her off. "Okay."
"What?"
"Okay." Pag-uulit ko. Uminom ako ng tubig.
"What do you mean by 'okay'? Okay, naintindihan mo ang sinasabi ko o okay dahil sasama ka na?"
Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko. "The latter."
Natahimik siya. Akala ko ay magsusumigaw siya sa tuwa dahil sa sinabi ko pero nagulat ako nang hindi siya umimik. Tiningnan ko siya at nakitang nanlalaki ang mga mata niya.
"You're creepy. Stop that." Puna ko.
Tsaka siya nagsimulang humiyaw at niyakap ako – hindi, mali, sinakal niya ako.
"Orphela! Yehey! Thank you!"
Tinatanggal ko ang kapit ng braso niya sa leeg ko. "You're killing me! I can't breathe!"
"Ay! Sorry!" Agad niyang tinanggal ang mga kamay niya sa akin at ngumiti na parang 'walang nangyari.
Huminga ako nang malalim dahil naubo ako sa ginawa niya. I can't believe I survived two months of my life with her.
Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko. Naghanap ako ng malaki-laking backpack para makapag-impake na para sa fiedltrip sa susunod na linggo.
Tahimik naman ang bahay ngayon, kahit pa nasa kabilang kwarto lang si mama. Sa ilang mga linggong nakalipas, bibihira na umuwi dito si papa. Naabutan ko siya minsan na nandito lalo na kapag 'wala pa si mama. Siguro iniiwasan nilang magkasama para mawala ang gulo.
May mga eksena kung saan nararamdaman kong gusto niya akong kausapin pero dahil sa pagmamadali ko sa pagpasok sa kwarto ay hindi natutuloy. Hindi ko kaya. Baka maiyak lang ako kapag kinausap ako ni papa, miski ni mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/222754091-288-k766668.jpg)
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
Teen FictionA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...