Chapter 30
FamilyI have never wished for something about myself, so please, if it's not too much to ask, give us what You think is best for us. I believe and will never get tired believing in You.
Minulat ko ang mata ko at unang bumungad sa akin ang Krus kung saan nakapako ang pinakamapangyarihan sa ating lahat. Tunay na makapangyarihan na sa Kaniya lumalapit ang lahat ng tao kapag nangangailangan, may karamdam, nagpapasalamat, humihingi ng tawad o humihiling.
He died to save us all. He sacrificed His life for us.
And I wonder how many of us could do the same for others?
Nang matapos sa pagdadasal ay tumayo ako mula sa pagkakaluhod at lumabas sa lumang simbahan. Sumakay ako ng tricycle para dumiretso sa bahay nila Arsellieus.
Kakagaling lang nila mama at papa sa kanila kanina, ngunit 'wala naman ako dahil may pasok ako. Nagulat nalang ako nang nag-send si tita ng picture sa akin kaninang lunch at andun silang apat sa kwarto ni Arsellieus. They look so cute that I had to save the photo right away.
Nag-door bell ako sa kulay pulang gate nila ngunit matagal pa bago may lumabas sa pinto ng bahay. Ngumiti sa akin si tita at pinagbuksan ako ng gate, ngunit nababakas ko na parang may kakaiba sa ngiti niya.
"Are you okay, tita?" I asked when we reached the house.
Napatingin siya sa akin ngunit agad din namang nag-iwas ng tingin. "Y-Yes, hija!"
Niligpit niya ang mga plato at baso na nasa lamesa. Rinig na rinig ang pagkabasag ng baso sa sahig nang agarang naglakad si tita papuntang kusina. "Tita!"
Agad ko siyang dinaluhan at pinigilan sa pagpupulot ng bubog, ngunit huli na. "Aray!" Napadaing siya nang mahawakan niya ang bubog.
"Nanay Pearl!" Tawag ko sa kasambahay nila pero hindi na ako makapaghintay pang dumating siya.
"'Wag mo na pong pulutin, tita. Ako na po ang bahala. Umupo na muna kayo d'yan." Inalalayan ko siya sa pag-upo sa sofa at dali-daling pumunta sa kusina para magsalin ng mainit na tubig sa maliit na planggana nila. Kumuha rin ako ng sabon at bimpo na nasa may cabinet.
Nang makabalik ako ay sakto rin ang pagpasok ni nanay Pearl na nanggaling pa ata sa labas ng bahay. "Anong problema, hija?" Napatingin agad siya sa basag na baso sa sahig.
"Nabubog po si tita, nay. Pede po bang makahingi ng gamot? Huhugasan ko lang po muna ng maligamgam na tubig yung hiwa."
"Oh siya sige!" Kumuha agad si nanay ng gamot sa first aid kit nila. Ako naman ay umupo sa tabi ni tita at kinuha ang kamay niya.
Hinayaan ko munang paduguin ang hiwa bago ito hinugasan sa maligamgam na tubig at sinabon. Maigi nalang at 'walang naiwang bubog sa loob. Dumating si nanay at pinalagyan niya ito ng petroleum jelly.
"May band aid po ba kayo?" Tanong ko nang maalalang 'wala na akong bitbit sa bulsa ko, hindi katulad noon.
Kumuha si nanay at pinalibutan ng band aid ang isang daliring may hiwa ni tita.
Nilinis ni nanay ang sahig habang ginagamot ko si tita. Nilagay niya rin ang mga ginamit na bagay sa mga pinagkuhanan pagkatapos at naiwan kami ni tita.
"May problema po ba, tita?" Tanong ko.
Malungkot na tumingin si tita sa mga mata ko kaya agad akomg kinabahan. Ngayon ko lang napansin ang pagiging mapayat niya.
"M-Months..."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni tita, hindi maintindihan ang pinaparating. "Po?"
![](https://img.wattpad.com/cover/222754091-288-k766668.jpg)
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
أدب المراهقينA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...