Chapter 14
Sun"Look, Orphela!" Napatingin ako kay Amika na may hawak na wallet na pink, at may kasama pang pack ng marshmallow na may nakasulat na "freebie".
"May idea ka ba kung sino nakabunot sa'yo?" Tanong ko.
Umiling siya. "Hindi ko alam. Pero kung sino man siya, gusto ko ideas niya ah!" Masayang banggit niya.
"Good for you."
This week, last week of November, is the start of our Kris Kringle. Nagkukumpulan ang mga kaklase ko ngayon sa Christmas tree sa classroom namin para kuhanin ang kaniya-kaniyang regalo nila mula sa hindi kilalang mga 'Santa Claus' ng isa't-isa.
"Ikaw? Ano nakuha mo?"
Pinagpatuloy ko muli ang pagbubukas ng regalo. Naghintay si Amika sa gilid ko.
"Pair of socks?!"
Tumingin ako sa kaniya. "Yeah."
Itinaas ko pa ang pares ng medyas at inikot-ikot, baka sakaling may mahulog na piso.
"I like the colors." I said. Neutral colors like black, brown, and beige.
"Well... As long as you like it, okay na 'yon." Pinindot-pindot pa ni Amika ang medyas sa hindi ko malamang dahilan.
"Anong nakuha niyo?" Rinig kong papalapit nila Luke sa banda namin.
Pinakita namin ni Amika ang mga nakuha. Ang diperensiya lang ay ang mukha namin. Si Amika nakangiti, ako naman ay seryoso
"That's yours?" Arsellieus asked me. I nodded at him. Hindi ko maintindihan kung naguguluhan ba ang mukha niya o ano.
"I like neutral colors so..." I shrugged.
Luke smirked. "Well, look what I got." Ibabalandra na niya sana ang nakuha niyang... I guess yung isa ay black na tela at may isa ring navy blue... Pero pinigilan siya ni Arsellieus.
"Shut up, bro!"
"Why?!" Naguguluhang sambit ni Luke.
Pinanlakihan siya ng mata ni Arsellieus. "Sabihin mo nalang, 'wag mo na ipakita!"
"What?! Eh paano nila malalaman?"
Arsellieus sighed heavily before turning to us.
"He got two boxers, one is color black, the other one is color navy blue." Mabilisan niyang salita.
Ilang saglit na walang umimik sa amin at naputol lang dahil sa malakas na tawa ni Luke. Halos sapakin na siya ni Arsellieus sa braso at umiiwas lang ito mula rito.
Nagtinginan kami ni Amika at hindi alam ang gagawin sa dalawa.
The next week, we got another round of Kris Kringle, but this time it's something "kawaii". Yeah, my classmates wanted that term. It means "Cute" in Japanese.
I got small notepads with sunset designs all over the pages. Now, this is what you call "kawaii".
Amika got a cute pastel pink fur ball keychain. Halos hindi na niya bitawan sa sobrang cute raw.
Hindi ko alam kung kilala ba nila Arsellieus at Luke ang nakabunot sa kanila dahil laging nakakatawa ang mga nakukuha nila sa Kris Kringle.
This week, nakakuha si Arsellieus ng tatlong pirasong patches, at may nakasulat pang "Cute yung designs eh".
Samantalang si Luke naman ay pencil case na black at 'wala namang design, pero may nakasulat ding note na "It's the thought that counts, and that's what you call" Kawaii". Boom."
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
Fiksi RemajaA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...