Chapter 4

675 40 24
                                    

Chapter 4
Handkerchief

Nakaupo ako sa bench ng field na nasisilungan ng puno ng mangga. Walang available na room dahil ginagamit lahat para sa booth at pa-contest ng mga estudyante at teachers.

So dahil nga may event ngayon, wala kaming klase buong week.

Pang-apat na araw na 'to ng event kaya medyo petiks na lang ng mga estudyante. Naglalaro nalang at ginagawa ang kahit anong gusto nila. Bukas, ang huling araw, awarding na.

Nakikinig nalang ako ng music sa earphones ko habang pinagmamasdan ang ibang estudyante na naglalaro ng badminton.

May umupo sa kabilang dulo ng bench na inuupuan ko pero hindi na ako nag-abala pang lingunin kung sino iyon.

Binaling ko ang paningin ko sa isa pang grupo ng mga estudyante na naglalaro naman ng volleyball sa field.

Someone snapped a finger infront of me, which caught my attention.

Napatingin ako sa may gawa. Nakataas ang kilay ni Klint nang tinitingnan niya ako. Tinaasan ko rin siya ng kilay.

Tinuro niya ang earphones ko. Binaba ko ito para maintindihan siya.

"Kanina pa ako nagsasalita, wala naman pala akong kausap." Angal niya.

"Sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yong kausapin mo ako?" Ani ko.

"Ako. Bakit, bawal ba?" Tanong niya pabalik.

Inirapan ko nalang siya.

Wala akong gana makipag-usap sa kahit sino. Isa pa, ano namang idadaldal ko sa kanila? Wala.

I don't like sharing personal problems to others. At baka ganun din sila.

Kung may lumabas man sa bibig ko na mga salita, pawang katotohanan lahat ng iyon. Kaya kung may maooffend, pasensya na.

Naalala ko na naman tuloy noong isang beses na may kumausap sa akin na kaklase.

Pulang-pula ang labi niya dahil sa liptint na kakalagay niya lang.

"Orphela, tapos ka na sa assignment mo sa 21st Century Literature?" Tanong niya sakin gamit ang maarteng boses.

"Oo." Simpleng sagot ko sa kaniya.

"Pwedeng patingin?"

"May sagot na 'yon."

"Hindi ko kasi makuha eh." Nagpaawa effect pa ang mukha niya sa akin.

"Nakuha mong maglagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha mo pero hindi mo nakuha kung paano umintindi ng isang lesson?" I asked her out of curiosity. 

Nag-iba ang timpla ng mukha niya. "Ang yabang mo naman!"

Kumunot ang noo ko. Anong kinayabang ko? Nagtanong lang naman ako. Isa pa, nagsabi lang naman ako ng totoo?

"Porket ikaw pinakamatalino sa klase." Bulong niya pa.

Uhm, thank you?

Hindi ko nalang siya kinibo at hinayaan sila ng kaibigan niyang pumunta sa canteen.

Tingnan mo 'yan, kung hindi niya pala makuha. Edi sana inaaral niya na ngayon. Isang oras nalang at klase na namin sa 21st Century Literature. Napailing nalang ako.

Hindi ako sanay magsugar coat ng mga salita.

May nag-snap na naman ng mga daliri sa harapan ko kaya napabalik ako sa ulirat.

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon