Chapter 31
Call"Are you sure this dress is okay? Hindi ba't parang sobrang iksi? Hindi ba conservative ang pamilya mo?"
I browsed Elena's rust halter-neck dress. Totoo ngang above-the-knee ang suot niya, pero ano naman ngayon?
"Not at all. It looks good on you! Don't worry, they won't mind what we're wearing so chin up," I giggled.
"Thanks to you! Binudol mo akong bilhin 'to sa online shop kaya ito, suot ko na ngayon birthday mo!"
Tinawan ko siya, "Hindi ko naman kasalanan na mabilis ka palang mabudol."
Niyaya ko na siyang pumasok sa bahay dahil andoon na't naghihintay ang iba ko pang mga bisita. Pagpasok palang sa gate ng bahay ay nakita ko na agad ang naghahabulang sila Marfa at Markus dahil kinuha ata ng lalaki ang phone ng babae. Parang mga bata.
Pinaupo ko si Elena sa upuan kung nasaan sila Carmein. Agad namang nagyakapan ang mga magkakaibigan nang nagkita sila.
"Orphela!"
Napatingin ako sa tumatawag na si Jamie sa akin. Sinalubong niya agad ako ng yakap at pagbati, "Happy birthday!"
"Thank you!" Nagulat ako nang iniabot niya sa akin ang isang paper bag. "Naku, nag-abala ka pa!"
"Ano ka ba? Hindi naman! Sana magustuhan mo! At sana kasya rin sa'yo kasi feel ko magka-size lang naman tayo," masayang sambit niya, "Buksan mo na!"
Nakangisi kong binuksan ang isang pulang kahon at tumambad sa akin ang isang gold na bracelet na may mumunting mga perlas. "I like it, Jamie! Thank you!"
Sinubukan kong suotin ang bracelet para malamang kasya at napalaki ang mata ko nang makitang saktung-sakto lang ito! "Kinabahan ako! Mabuti nalang, nagtiwala ako sa instinct ko!"
Natawa ako sa kaniya. Nabigla ako nang bigla niya ulit akong yakapin. "Thank you for trusting me. Lalo pa't hindi naman ako katiwa-tiwala sa paningin ng marami."
It was just last year when I decided to be friends with Jamie. Alam ko namang 'wala kaming problema sa umpisa pa lang, kaya bakit naman kami magiging magkagalit sa isa't-isa? Although I remember the times when I was irritated by her presence. And I know those were all just because of unadorned jealousy. Selos na hindi naman dapat pinapalaki. Back on the days when I was still immature.
Ilang taon ang lumipas nang hindi kami nagpapansinan kahit pa nagkakasalubong kami sa hallway ng school. At taon din ang lumipas simula nang hindi ko siya nakita dahil nag-iba-iba na kami ng school, all according to our professions.
But then, I saw her in the cafe, one Sunday night. She was miserable that night, and I didn't know why. Hindi ko rin alam kung kakausapin ko ba siya o hindi? Dahil kahit 'wala naman kaming issue, hindi naman kami close. Pero may kung anong bumulong nalang sa akin sa mga oras na 'yon na lapitan ko siya. Na batiin ko lang siya. And when I did, I was surprised by her reaction.
Bigla siyang humagulgol sa harap ko. 'Wala akong nagawa sa mga oras na 'yon kundi ang yakapin siya at itago sa ibang mga mapanghusgang tao ang kaniyang mukhang punung-puno ng pagdurusa. She didn't utter a single word, but I still felt her anguish.
Funny how I thought that some guy broke up with her at that time, but I was wrong. It was something more.
Her father, who abandoned her when she was about 5 years old, came back. Lumaki siya ng kinikilalang mga magulang ang kaniyang tito't-tita. Gusto siyang bawiin at iuwi sa probinsya nila sa Mindanao, kahit pa labag sa kalooban niya. And for that, she didn't know what to do. She despised his father, she murmured.
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
Teen FictionA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...