Chapter 21
TrustMinamarkahan ko ng minamalist drawing ang papulsuhan ko na pinauso ni Arsellieus. Nabubura na kaya ibinabalik ko lang ulit. Hinihipan ko pa ito dahil baka kumalat ang tinta kapag nadampian ng kung ano.
Ni-picture-an ko ito bago sinend kay Arsellieus.
Me: Looks new as the first day you drew it.
Agad na-deliver ang message ko, pero hindi niya agad nabasa. Siguro may ginagawa. Humiga ako sa kama bago nagpasya na magpatuloy sa pagbabasa ng libro na naputol ko kanina, dahil napansin ang pagiging kupas ng tinta sa pulso ko.
Ilang minuto lang ng pagbabasa ko ay may naalala ako. Napasuot agad ako ng maayos na damit para puntahan ang lugar na kinokonsidera ko na payapa. Dinala ko rin ang librong kinagigiliwan ko ngayon.
'Walang tao sa bahay dahil umalis ang dalawang magulang ko, at hindi ko rin alam kung saan sila pumunta. Kaya naman ay dinala ko ang susi ng bahay, sa unang pagkakataon na umalis ako.
Nagpasya akong maglakad papunta roon dahil nakakamiss. Nakasalpak ang isang pares ng earphone sa kaliwang tenga ko, para marinig ko pa rin kung sakaling may busina o sasakyang paparating sa likuran ko.
Nang makapasok ako sa lugar ay agad kong nginitian ang nasa front desk.
Bahagyang nanlaki ang mata niya. Natawa ako sa reaksyon niya. "Para ka namang nakakita ng multo."
"Aba! Hindi ka lang ngumingiti, pero tumatawa rin!"
Inirapan ko siya at nangingising kinausap. "Kumusta?"
Napahampas siya sa lamesa kaya nagulat ako. "Nangangamusta ka na rin ngayon?!"
Tinawanan ko siya. "Pwede ba, Fatima? Umayos ka nga!"
"Caroline! Halika dito , bilisan mo!" 'Walang pag-aalinlangan niyang sigaw sa assistance niyang nasa storage room ata.
Agad kong kinuha ang signage na nasa harapan niya at halos ibaon ko sa mukha niya. "Silence please! Librarian ka pa naman dito!"
Kinuha niya lang ang signage sa akin at binalik sa harap ng table niya. Hindi magkandaugaga na lumabas si Caroline sa pinto ng storage room at inaayos pa ang ponytail niya. "Makasigaw ka naman! Pasalamat ka 'wala pang tao dito."
"Ito, tingnan mo si Orphela!" Tinuru-turo ako ni Fatima kaya napabaling ako kay Caroline.
Nagkibit-balikat ako sa kaniya habang ngumingisi. Kabaligtaran ni Fatima ay hindi niya na ako sinuri pa nang maigi.
"Hay nako, ilang beses na rin ako nagulat sa kaniya simula pa noong birthday niya." Aniya at inayos ang kahon ng mga libro na nasa likod ni Fatima. "Inspired eh."
"Anong nakain mo?" Hindi pa rin ako tinatantanan ni Fatima dahil ilang minuto pa akong tinitigan.
Kumunot ang noo ko sa tanong niya at napaisip. "Omelet?"
Napapikit siya at para atang gustong manapak.
"Bahala ka d'yan! Magbabasa ako sa taas, 'wag kayong maingay!" Ani ko at dumiretso agad sa panagalawang palapag. Rinig ko pa siyang may sinasabing kung ano kay Caroline na hindi naman sineseryoso ng isa.
'Walang pag-aalinlangan akong nagtungo sa table ko. Naramdaman ko agad ang preskong hangin na nanggagaling sa harap na bintana ko. Mukhang hindi ako makakapagbasa dahil mas maeengganyo lang akong tingnan ang mga tanawin.
Kahit na mahirap ay pinilit ko pa ring mag-focus sa binabasa ko dahil maganda ang kwento. Napatingin pa ako sa phone ko dahil naka-silent mode ito, baka kako nagreply na si Arsellieus, pero 'wala pa rin pala.
![](https://img.wattpad.com/cover/222754091-288-k766668.jpg)
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
Fiksi RemajaA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...