Chapter 3
SelfMalakas na sigawan ang maririnig sa Quadrangle ng school dahil kaniya-kaniyang cheer sa mga mascot nila.
Kakatapos lang ng parada ng lahat ng mascots sa labas ng school. 20 minutes din sila pumarada. At ngayon naman ay ipepresent nila ang mga sarili nila sa harap ng maraming estudyante at guro.
Nang mascot na ng klase namin ang pumanik sa stage ay nagtilian ang mga kaklase ko.
"Bananas in the Pyjamas!" Nakikipalakpak nalang ako sa ginawang yell ng mga kaklase ko.
Nagpakilala ang dalawa kong kaklase na nasa stage na sina Kit at Samuel, bilang B1 at B2. Nag-explain at nag-yell din sila para dagdag points.
Hindi halatang nahihiya ang dalawa sa pinaggagawa dahil puro sila ngiti at tawanan. Mukha talagang ineenjoy nalang nila ang ginagawa nila, para sa kanila at para sa section namin.
Isa pa, hindi naman sila ganoon mahihiya dahil may kasama sila, hindi tulad ng ibang section na mahiyain pa kasi mag-isa lang sila na nagppresent sa stage.
Mas bawas siguro ang kaba nila dahil alam nilang hindi sila nag-iisa.
Nagpose sila na parang sila B1 at B2 bago tuluyang umalis sa stage.
Nagcheer ulit ang mga kaklase ko at pumalakpak ako.
"Smile!"
Napatingin ako sa boses ni Klint. May nakasabit sa kaniyang DSLR Camera sa leeg at nakatapat ito sa akin, kinukuhanan niya ako.
I didn't smile, but he still clicked the shutter.
"I don't know how to smile." I looked away.
Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko at inistrech ito, pinipilit akong pangitiin. Clinick niya muli ang camera habang nakaganoon ang isang kamay niya sa akin.
Tinapik ko ang dalawang kamay niya. "Anong ginagawa mo?"
He chuckled. "Sabi mo hindi ka marunong ngumiti. Tinutulungan lang kita kung paano."
"You can't force a smile to someone who isn't really happy."
Napatingin siya sa akin habang aktong kumukuha siya ng litrato ng ibang tao.
"You can't fake happiness." I said.
"I know." He gave me an assuring smile.
Chineck niya ang photo na kinuhanan niya sa akin at pinakita sa akin.
"See? That's the emotion."
Tiningnan ko ang litrato. Wala naman talagang espesyal sa mukha ko bukod sa pilit niya akong pinapangiti.
Umirap ako. "I'm not even smiling there. You're just forcing me to do so."
"I'm not talking about that."
I look at him. "Then what do you mean?"
Masuri niyang tinitingnan ang litrato ko. "I don't need to see your smile just to see your real emotions."
Pinakita niya muli ang camera sakin.
"Your eyes already speak a lot."
"Ang contradicting ng litratong 'to, noh?" He smirked.
"I'm forcing you to smile. Kahit na kitang-kita naman sa mga mata mo na hindi ka talaga masaya."
Nagsimula ulit siyang magpicture sa mga taong nasa harapan namin, ang mga nagppresent sa stage.
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
Teen FictionA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...