Chapter 35

583 19 13
                                    

Chapter 35
Dream

"Lola!"

Niyakap niya ako ang pagkahigpit-higpit at natawa ako rito.

"Saglit lang tayong hindi magkikita, masyado mo naman ata akong mami-miss."

Ginilid niya ang mukha niya para makita ako. "'Opo naman, la!" Aniya at binaon ulit ang ulo para mas mayakap ako.

"Kay sarap naman agad ng pasalubong mo... Mami-miss din kita lalo, apo." Sambit ko sa gitna ng yakap.

"Sama na po kayo sa amin, please," pagpupumilit niyang muli.

"Magpapahinga lang muna si lola, apo... Sa susunod na lang muna ako sasama."

She pout her tiny tips because of what I said.

"Asan nga pala sila mommy mo?"

Kumalas siya sa yakap at tinuro ang kusina ng bahay.

"They're packing our food po."

Saktong patapos niyang magsalita ay lumabas ang dalawang pigura ng mag-asawa na may bitbit na mga lagyan ng kanilang pagkain.

"Present, la!" Sabay na sambit ng mag-asawa at nagtawanan pa sila dahil dito.

Humalik sila sa aking pisngi. "Hindi po talaga kayo sasama, la? Andito na po sila lolo."

Umiling ako sa tanong ng babae. "Hindi na muna, anak... Mag-enjoy kayo, ha? At mag-iingat!"

"Yes, la. Akong bahala sa mag-ina ko. Pati na rin kela lolo." Kumindat pa siya sa akin kaya natawa ako sa kaniya, dahilan para matampal ko nang mahina ang balikat niya.

"Sige na! At baka saan na naman mapunta ang usapan. Pakikamusta nalang ako sa lolo't-lola niyo."

Itong si Luke at Amika talaga, nagpalaki pa ng mga kagaya nilang maloko. Pero hindi ko rin mapigilan na maging masaya dahil kagaya rin nila ay napakabubuti rin nilang mga bata.

Bahagya akong bumaba para makahalik muli sa pisngi ko ang batang hanggang ngayon ay naka-pout pa rin dahil sa hindi ko pagsama.

Hinatid ko sila sa pinto ng bahay. Sumakay sila sa kanilang kotse. Sila ang nagbukas ng gate at sila rin ang nagsara, para raw hindi ako mahirapan.

Napahinga ako nang malalim nang mawala na sila sa paningin ko. Magdidilim na, sakto pala ang kanilang punta at gabi na talaga sila makakarating sa beach, katulad ng gusto ng bata.

Umupo ako sa aking paboritong upuan sa living room. Sa lugar kung saan nakatingin lang ako sa labas ng bahay at langit, at nakakaramdam na agad ako ng kaginhawaan.

Hindi ko mapigilan ang mapa-isip. I'm sure that you're beside me right now if you're still here. And we'll have our own children and grandchildren as well. We'll live our life full of contentment because we have our own happy family.

But even if you're not here, I'm still certain that you're beside me right now. You're always guiding me and I can feel that up to this day. I'm happy knowing that you're in a happier place and I still reached my dreams despite every hurdles.

Binuksan ko ang aking radyo at saktong tumugtog ang isang espesyal na kanta pagkatapos magsalita ng isang DJ.

"When the rain is flowing in your face

And the whole world is on your case

I could offer you a warm embrace

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon