Chapter 28

329 18 13
                                    

Chapter 28
Time

Minsan hindi ko alam ang totoong nagiging kondisyon ni Arsellieus. Ang alam ko lang ay under siya ng mga medikasyon at theraphy sessions. He is doing well according to the doctor, that's what tita said, and thus, I believe it too. Kahit pa halata na ang pagbabago sa itsura niya sa noon at ngayon. I think it's just normal, right?

Binuksan ko ang telebisyon para magkaroon naman ng kahit kaunting ingay sa loob kwarto ni Arsellieus. Nasa kusina si tita at naghahanda ng hapunan. Maigi nalang at ang palabas ay puro mga music videos ng mga sikat na kanta sa panahon ngayon. Mas nakakawili makinig at manood.

Halos mabingi na kami sa sobrang tahimik ng paligid kanina. At ako naman, sa sobrang lalim ng naiisip ko.

It's been years since we knew about Arsellieus' condition. 3 years to be exact. Ilang kaarawan na namin ang lumipas. I researched about his condition too, of course. Hindi ako halos makapaniwala sa halos lahat ng mga nabasa ko. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan.

I wanted so bad to just believe my instincts. To believe what I just want to believe in. Kahit pa 'walang maibay na ebidensiya o kasiguraduhan. Gusto kong maniwala sa sarili ko dahil ayoko lang masaktan. Pero bakit parang mas masakit 'yon?

Marami akong plano para sa aming dalawa. Kaya sinusulit ko ang bawat oras na kasama siya. I even wanted to do something that I never even thought I would do before. I want to risk... everything for him...

Pumunta ako sa may study table niya at inayos ang mga librong nakakalat doon para may mapagkaabalahan kahit papaano. Para naman matuon ang isip ko sa ibang bagay. Binuksan ko ang jar niya puno ng mga letters ko para mailagay ang panibagong sulat ko para sa araw na ito. 

In the day when I cried out, You answered me. And made me bold with strength in my soul.

Psalm 138:6

Pagbabasa ko sa laman ng letter ko bago ito tuluyang nilagay sa jar.

"What is it?" Arsellieus suddenly asked. I turned to him.

"Hmm?"

Nakasandal ang likod niya sa unan na nasa uluhan ng kama at prenteng nakaupo. Diretso ang tingin niya sa akin.

"What's bothering you?"

Oh, don't tell me I'm too obvious! Hindi ko na nga pinapahalata na may mga iniisip akong ibang bagay dahil ayokong palakihin pa ito. To think na nababahala rin siya sa mga problema ko ay mas lalong nag-udyok sa aking 'wag na itong isipin at miski pag-usapan pa.

Ngumiti ako sa kaniya at umiling. "Nothing."

Pinanliitan niya lang ako ng mata kaya imbes na makipaglabanan ako ng titig sa kaniya ay umiwas nalang ako at tinuon ang tingin sa inaayos na mga gamit sa lamesa.

"We both know that you're not good at faking emotions, right?"

Halos mabitawan ko ang libro na hawak dahil pakiramdam ko ay para akong nahuli sa kasalanang tunay ko ngang nagawa. Naputol din ang ngiting pinepeke ko kanina lang.

"Come here." Tinawag niya pa ako gamit ang pagmwestra ng kamay niya. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya at pinapapunta ako roon.

Para akong batang sumunod sa kaniya habang dahan-dahang umuupo sa tabi niya. Sinuklay niya nang malumanay ang buhok na nasa gilid ng tenga ko gamit ang malambot niyang mga daliri.

"Tell me, what's bothering you, hmm?"

Para akong nalulunod sa mga mata niya at hinihipnotismo na mapasunod sa lahat ng sasabihin niya. It's not like I don't want to share it. In fact, I want so bad to share my thoughts, but I'm just too shy to even talk about it.

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon