Chapter 19
DreamI was smiling at Arsellieus when an upbeat music filled the dance floor once again.
Agad nagtayuan at puntahan sa gitna ang mga tao. Nakitawa kami ni Arsellieus sa mga nangyayari at nakisali sa mga sayawan ng grupo ng mga kaklase namin.
Pinaggitnaan pa naming magkakaklase si Phoebe na lasing na na sumasayaw. Palihim kasi silang umiinom ng ilang baso ng wine. Kung anu-anong dance steps ang sinasayaw nila na nakikitalon at tawa nalang ako dahil sa sobrang hyper nila.
"Ihatid niyo 'yan sa bahay nila, ah?" Halos isigaw ni Marfa kela Markus, Dave, at Paul dahil sa sobrang lakas ng music.
Agad nagreklamo ang katabi niyang si Dean dahil sa lakas ng boses nito. "Sana ikaw nalang naging speaker ng school!"
Hinampas siya ni Marfa. "Hindi ikaw ang kausap ko!"
"Hindi mo na kailangang sabihin! At baka magkasuntukan ulit kami ng kuya n'yan kapag may masamang nangyari d'yan!" Sagot naman ni Markus kay Marfa. "Ohh! Careful!" Agad niyang alalay kay Phoebe na muntik na matalisod.
"Pang-ilan mo na 'yan?! Ang daya, kuha mo rin ako!" Reklamo ni Monica sa umiinom ng wine na si Kurt.
"Ikaw nga ang hindi ako kinuhanan kanina ng tubig kahit nasasamid na ako sa kinakain ko!"
"Ang arte mo! Pinainom naman kita sa baso ko! Kasalanan mo rin 'yan, tawa ka nang tawa habang kumakain!"
Nakisali pa sa usapan ng dalawa si Cyrus na kinakampihan si Monica kaya 'walang nagawa si Kurt kundi kumuha nalang ng panibagong baso para sa kay Monica.
Bigla kaming napatingin sa nagflash na camera. "Grabe! Hindi ako prepared! Isa pa!" Sigaw ng mga kaklase ko kay Kyle na kumukuha ng picture at video sa amin.
"Sumama ka nalang!" 'Walang hiyang kinalabit ni Ethan ang babaeng nasa likod niya na taga ibang section at nagrequest na kuhanan kami ng litrato. Mabuti at mabait ang babae.
Agad kaming nagkumpol at ngumiti sa camera na ilang beses ni-click ng babae.
"Nangalay panga ko dun ah!" Pagbibiro ni Luke na sinang-ayunan ng lahat.
Nagkasiyahan pa kaming lahat na tila huling gabi na namin ito na magkakasama.
"Mamimiss ko kayo!" Naiiyak na sigaw ni Aya.
"Ayan na! Ayan na! Iyakan na!" Sigaw naman ni Laine.
"Kahit napakagulo at pasaway niyo, mamimiss ko rin kayo!" Ani Emily.
"Sus!" Nakisali na si Adam. "Eh ikaw nga lagi naglilista sa amin ng noisy!"
"Noong elementary pa tayo nun! Umayos ka nga!"
"May mangiisnob ba sa inyo sa daan kapag nagkakitaan?" Tanong naman ni Bria. "Para ma-kick na sa group chats."
"'Wala? 'Wala ba? Maigi naman!" Dagdag pa niya.
"Ikaw ba, George? Saan ka magccollege?" Tanong ni Harold sa pinakatahimik at matino naming kaklase na si George.
"Sa Manila." Sagot niya.
"'Yon! Parehas tayo! Anong school mo?!" Nakisali na si Anthony sa kanila. Natawa pa si George sa isang biro ni Harold. Ngayon ko lang ata siya nakitang ngumiti.
"Maging active pa rin kayo sa group chats natin, ha? Kundi kokotongan ko kayo kapag nagka-reunion tayo." Ani Kharri.
"Paano kotong?" Sagot ni Jeff.
BINABASA MO ANG
Solace of Calluna
Teen FictionA life of her is full of despair and dullness, unlike to him who's full of laughter and colors, she thought. Orphela Heather Arsena has always been fond of solitariness despite her countless inner demons and external hardships. She has always believ...