Chapter 12

353 28 12
                                    

Chapter 12
Light

I heard a shatter from someone's camera. I looked at Arsellieus and saw that it was his.

Abala si Arsellieus sa pagkuha ng mga litrato gamit ang camera niya, ganoon din si Ryan, ang isa pa naming kaklase na mahilig kumuha ng litrato. Habang ang lahat sa klase ay nanonood lang ng campfire.

Amika smiled when Arsellieus was about to take a photo once again. Natawa ito dahil hindi na raw magiging stolen ang kuha kung titingin sa camera si Amika. Nagbiro pa si Luke na kunwari ay nakatingin nalang sa langit habang nakangiti para mukhang realistic. At iyon nga ang ginawa nila ni Luke at Amika.

"Pwedeng pang-movie poster 'to ah." Tawa ni Arsellieus sa kuha niya kung saan nandoon si Luke at Amika na parehong nakatingin sa malayo.

"Kayo naman!" Ani Luke. Kinuha niya ang camera ni Arsellieus at aktong kukuhanan kami.

Lumayo rin si Amika sa amin kaya kami lang ni Arsellieus ang natira sa frame. Sa likod namin ay ang campfire na patuloy pa rin ang pagbabaga. Nagkatinginan muna kami ng ilang saglit ni Arsellieus bago tumingin sa camera.

"Closer!" Saad ni Luke.

Lumapit kami ni Arsellieus sa isa't-isa hanggang sa nagtama ang braso namin. Ngayon ko lang napansin na ang taas ko ay hanggang leeg lang ni Arsellieus.

Nagclick ang camera. "Ngiti naman!" Banggit ulit ni Luke. Sumunod naman kami.

"Perpekto!"

Ilang shots na ang mga nakuha ng mga kaklase ko sa view namin ngayon. Binuksan ko rin ang phone ko at kinuhaan ang paligid.

Nahagip ng camera ang mukha ni Jakob na nakangisi sa akin na parang may masamang balak.

"Panira ng view." Bulong ko at nilipay ang anggulo sa iba.

"Ano?!"

Hindi ko na siya sinagot.

Nagulat nalang ako nang kuhanan niya ako ng litrato gamit din ang phone niya.

"Hay nako, anggulo." Aniya habang tinitingnan ang kuha niya na may mukha ko.

"Kapal mo!"

Sasapukin ko na sana siya pero nakaiwas siya at takbo. Hinabol ko siya habang siya naman ay tuwang-tuwa sa nangyayari.

Lalaksan ko talaga ang sapok ko kapag naabutan kita. Sobrang lakas pa ng tawa niya na napapatingin tuloy ang ibang mga kaklase namin.

Bwisit!

Alas-onse na at tulog na ang lahat. Dalawang oras na ang nakakalipas simula nang papasukin kami sa mga tent at patulugin. Sumilip ako sa butas ng tent. Madilim pero kita ko pa rin naman ang labas dahil sa lamp na nakalagay sa poste sa gitna. Nakita kong 'walang tao kaya dahan-dahan akong lumabas.

Tahimik lang para hindi magising si Amika at ang ibang mga tao. Sarado ang mga tent nila. Mukhang tulog na.

The atmosphere is silent that I can actually hear the sound of crickets, fireflies, and even the woods cracking from the campfire. I went closer to the fire to feel some warmth. I look at the sky only to see the beautiful, bright moon.

I hugged myself as the cold wind blows unto my skin. I closed my eyes and feel the tranquility of the world right now.

"Why are you still awake?"

Napadilat ako nang may naglagay ng jacket sa likod ko. I turned around to see Arsellieus.

"Can't sleep." I whispered, afraid that I might wake up others.

Solace of CallunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon