*Dark POV*
Nang makapasok si Yell sa bathroom at agad na lumabas ako ng kwarto namin at hinanap ang kapatid ko na si Alexius.
Kahit na medyo naiinis ako sa mukha ng dalawa kong kapatid hindi ko pa din maiwasan na kausapin ang mga ito.Naglakad ako papunta sa kwarto ni Alexius.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng marinig kong parang may kausap ito sa cellphone."No dad!,I can't do that!" Sigaw nya sa cellphone.
Napahinto muna ako saglit sa pinto para pakinggan ang mga pinag-uusapan nila.
"Hindi papayag si kuya dad!"
Napatingin ulit ako sa direksyon ni Alexius ng banggitin nya ako.Napahawak si Alexius sa ulo nya at galit na binato ang cellphone sa sofa na nasa loob ng kwarto nya.
Bumuntong hininga ako at tuloyan ng pumasok sa kwarto ng kapatid ko.
"Anong problema?"agad na tanong ko at naglakad papunta dito.
Gulat na lumingon ito sakin."K-kuya?"...
Gulat na tawag nya sakin.
Naupo ako sa sofa at dinampot ang cellphone na ibinato nya kani-kanina lang."Nag away kayo ng daddy mo?"tanong ko dito.
Tiningnan ko Ito sa mata at halata ang gulat na reaction nito."H-hindi K-kuya...m-may...may pinag-uusapan lang."
Kumunot ang noo ko sa pagiging malikot nito.Hindi ganto ang Alexius na kilala ko at alam kong may tinatago ito sakin.
"Totoo bang samin ka kumakampi?"tanong ko.
Lumingon ito sa direksyon ko pero tumingin agad sa ibang direksyon.
"May plano tayong sisimulan at kasama ka dun Alexius,Kaya Hindi ako papayag na sisimulan natin ito ng may tinatago ka sakin/sa amin!"
Blangko ang mga mata ko na tumingin kay Alexius."Kuya wala akong tinatago sayo.."mahinang sagot nya sakin.
"Really?"paninigurado ko.
Bumuntong hininga ito at naglakad papunta sakin at tumabi ng upo."My dad's wants to kill Fryell father.."
Nagulat ako sa sinabi ni Alexius.
Humarap ako dito na hindi makapaniwala sa narinig.
Bakit iyon gagawin ng ama ni Alexius."At bakit?"tanong ko.
"Kasi ang ama ni Fryell ang nagpapatay sa ating ina."
Sa narinig kong yun ay parang may nag aapoy ang puso ko sa galit.Bakit sya pa!?... napaka sama nya na talaga!!!...
"Sabihin mo sa ama mo na hahayaan ko syang patayin ang ama ni Fryell."pagkasabi ko nun ay tumayo na ako,Naglakad ako papunta sa pinto para lumabas.
"Sigurado ka kuya?"
Napahinto ako at humarap dito."May karapatan syang gawin yun."pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako pero nasiplatan kong ngumiti ang kapatid ko.
"Thanks kuya!!!"pahabol na sigaw nito ng maisara Kona ang pinto.
Napangiti na lang ako at napailing-iling."Sisimulan na ba natin?"napatingin ako kay Marco na nakaupo sa mahabang sofa.
Naglakad ako palapit dito na nakapamulsa.
"Yes."maikling sagot ko.
"How's Queen?"tanong nya.
"She's okay now,nag aayos na nga sya ngayon."..sagot ko.
"So bakit ikaw hindi pa nakaayos?"takang tanong nito.
"Sinisigurado ko lang na lahat kayo ay handa na.."
"Handa na kami."
Lumingon ako sa likuran ko ng sumingit si Jacob.