Chapter 58

3.1K 95 1
                                    

*Fryell POV*

Nanatiling nakangiti ako habang nakatingin sa mag-ama kong nagkukulitan sa harapan ko.

Nagsisimula na ang birthday party ng anak ko at kami-kami lang muna ang mga bisita ng anak ko dahil hindi pa pweding mag imbita ng iba dahil hindi pa maayos ang lahat.

"Nakangiti kana naman sa mag-ama mo anak."
Lumingon Naman ako kay mommy.

"Masaya lang ako mommy,Kasi hanggang ngayon nakikita kopa din ang mga ngiti ng mag-ama ko."
Nakangiti kong sabi dito.

"Ganyan din ang nararamdaman ko noong napunta ka samin anak."

"Ni minsan po ba mommy hindi ka nagsisi na inampon nyo ko?"
Tanong ko dito.
Nakangiting umiiling si mommy.

"Never akong nagsisi na napunta ka samin ng Daddy mo anak,kasi ikaw ang naging ilaw sa madilim naming mundo."
Napaluha ako sa sinabi ni mommy.

"Thanks for everything mommy, thank you kasi dimo ko pinabayaan."
Madamdamin kong pasasalamat kay mommy.
Niyakap naman ako ni mommy at hinagod ang likod ko.

"Tahan na anak, birthday ng anak mo ngayon oh.Maging masaya tayo sa kaarawan ng anak mo."
Agad na humiwalay naman ako kay mommy.
Pinunasan ko ang mga nalaglag kong luha at ngumiti dito.

"Yes mommy."
Nakangiti tumango ito.

"Punta muna ako sa Daddy mo ha,baka masaniban na naman ng masamang alak Yun hahaha!!"
Sabay na napatawa naman kami ni mommy sa sinabi nya.

"Okay po mommy."
At tumayo na nga ito at umalis na.

Nakita ko naman si Patricia na nasa gilid lang malapit sa halamanan.
Iniisip ko kung lalapitan koba ito o Hindi.

Bumuntong-hininga ako at napag desisyonan na puntahan nga ito at kausapin.

Nagsimula namang tumunog ang musika na pinangunahan ni Alexius.
Sa pagkakaalam ko si Jacob ang ginawang clown ni Dark dahil iba ang suot nito.

Pinagsawalang bahala ko muna ang ingay na Yun.
Mamaya na ako magsasaya kasama ang mag-ama ko kapag alam ko sa sarili kong ayos na ang kalooban ko sa mga taong nakapaligid sakin.

Nang marating ko ang pwesto ni Patricia ay nag angat ito ng tingin ngunit yumuko din.

Iiling-iling na naupo ako sa tabi nito.

"I'm sorry Patricia for being rude to you."paghihingi ko ng patawad dito.
Nag angat na ito ng tingin sakin pero Nakita kong lumuluba na naman ang mga mata nito.

Hinawakan ko ito sa kamay at ngumiti dito.

"Bakit nga ba tayo naging magkaaway?"pabiro kong tanong dito.
Natawa naman ito ng mahina.

"I don't know, siguro nagsimula yun sa isang misyon ko na iniutos ni Alexius "
Bigla ko naman naalala ang una naming pagkikita.
Pero wala na akong inis o galit na nararamdaman sa kanya.
Siguro dahil gusto kong magkaayos kami ni Patricia.

"Napatawad na kita dun,pero ginusto mo bang gawin Yun?"tanong ko dito.
Nakita ko namang nagkagat labi ito.

"Nung una oo,kasi naging ex ko si Dark,may kasalanan akong nagawa sa kanya kaya ganyan sya kagalit sakin at ayaw na ayaw nya akong lumalapit sa kanya.Pero nitong nagdaang araw parang na realize kong gusto kong sumama sa inyo,yung maging masaya katulad nyo.Gusto ko ding makaramdam ng pagmamahal ng isang pamilya."
Kitang Kita ko ang lungkot sa mga mata at sa boses ni Patricia,para itong may malaking pinagdaanan.

"Ano bang naging buhay mo?,kung dimo mamasamain pwede ko bang malaman?"tanong ko dito.
Bigla na namang tumulo ang mga luha nito.

"Lumaki ako sa isang mahirap na pamilya,si itang lagi akong binubugbog at si inang ganun din.Lagi akong umiiyak tuwing gabi kasi parang hindi nila ako tunay na anak,naiinggit ako sa mga masasayang pamilya kasi never kong naranasan yun.
Nung nakilala ko si Dark naging masaya ako at naging maayos ang buhay ko,pero akala ko hindi na magbabago yun."
Bigla itong huminto at muling pinunasan ang mga luha.

MY BOSS IS MY HUSBAND(Mafia's Corporation)Where stories live. Discover now