*Fryell POV*Nandidito kami sa tapat ng mansyon nila Dad at kasama ko ang mag ama ko.
Hindi ko alam na nagpatayo na pala sila Ng bahay dito sa Pilipinas.
They always say na mas kumportable sila na sa Korea, so bakit nandidito na sila ngayon?.
Kanina ko pa gustong itanong ito kay Dark pero siguro Kanila mommy and daddy kona lang mismo itanong.Pinindot ni Dark Ang doorbell ng isang beses,at mga ilang minuto ay lumabas ang dalawang napaka importanteng tao sa buhay ko na nag alaga at nagmalasakit sakin ng sobra sobra na hindi kayang ibigay o gawin ng sarili kong ama.
Binuksan nila ang gate at kitang kita ang saya sa mukha nila mommy and daddy.
Hindi ko maiwasang mapaiyak dahil sa sobrang miss kona ang mga ito."Baby!"tawag sakin ni mommy,walang Sabi sabing tumakbo ako palapit kay mommy at niyakap ito ng mahigpit,sobrang na miss ko talaga si mommy.
Kumawala ako ng yakap at pinunasan ang mga luha ko.
"I'm sorry Mommy."pahikbi kong sabi kay mommy.
Ngumiti ito ng napakatamis sakin at hinawakan ako sa kabilang pisnge na parang hindi makapaniwalang nasa harapan nya ako."I miss you so much baby ko,and no, you don't need to apologize to me.Ako dapat/kami ng daddy mo ang humingi ng tawad sayo anak."nakagat ko ang labi ko para pigilan ang mapaiyak ulit.
Tumingin ako kay daddy na tahimik lang at nahihiyang tumingin sakin.
Nilapitan ko ito at hinawakan sa dalawang kamay."Daddy."tawag ko dito at Dahan dahan itong tumingin sakin.
"I'm sorry Daddy kung....Kung hinusgahan ko kayo kaagad,Hindi ko po yun sinasadya nabigla lang talaga ako sa mga nalaman ko."Nakita kong tumulo ang mga luha ni Daddy at niyakap ako nito."I'm sorry too princess,Kung sinabi ko sayo ng mas maaga edi sana hindi ka nawalay samin ng ganung katagal."kumawala ako kay daddy ng yakap
"It's okay Daddy tapos na din naman po Yun."Sabi ko kay daddy at tumingin kay mommy na nakangiti pa din.
"I miss you both."maiyak iyak kong sabi sa mga tinuring kong mga magulang.
"I miss you too baby,so much."Sabi ni Mommy,ngumiti ako dito.
Napatingin naman si mommy sa likod ko."Who's the cute girl na kasama nyo baby?"abot taenga naman akong ngumiti sa mga Ito,humarap ako sa anak ko at kunuha ito kay Dark sumunod naman sakin si Dark at mukhang nagmamasid sa paligid.
"Apo nyo po mommy and daddy."nakangiti kong sabi sa mga ito,halata ang gulat sa mukha nila at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Really baby!?,anak nyo ba yan ni Dark?"tumango naman ako dito.
"Yes Mommy."agad naman itong kinarga ni mommy at tuwang tuwa na niyakap ang anak ko at ganun din si Daddy na kitang kita ang saya sa mga mukha nila.
Napalingon ako kay Dark na nakangiti din, nilapitan ko ito at niyakap sa tagiliran.
"Thank you so much baby."madamdamin kong Sabi sa asawa ko.
"Anything for you baby."napangiti ako sa sinabi nya.
"Let's go baby and Dark baka matusta tayo sa init dito sa labas."pabirong Sabi ni mommy samantalang si Daddy naman ay buhat-buhat na si Dryell.
Naunang pumasok sila Dark at daddy at nasa likuran lang kami ni Mommy.
"Matalino ang apo ko baby." Proud na proud na Sabi ni mommy,naalala ko tuloy nung mga panahon na students pa ako ay lagi saking sinasabi ni mommy yan.
"Syempre may pinagmanahan mommy eh hahah."sabay na tumawa naman si mommy sa sinabi ko.
Niyakap ako ni mommy patagilid habang naglalakad kami papasok sa mansyon.