*fryell POV*
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko at ako na lang ang nakahiga sa kama kaya naman bumangon ako at nag hilamos. Pagkatapos kong maayos ang sarili ko agad na akong lumabas ng kwarto. Nang pababa na ako sa hagdanan naamoy ko agad ang mabangong niluluto.
"Haaauuummm.....Ano kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko. Sakto naman na nakita ko ang isa sa mga maids dito sa bahay.
"Hi!, pwede po bang magtanong kung saan yung kitchen nyo?" Tanong ko dito. Eh malay ko ba kung saan sa laki ba naman ng bahay nato malalaman ko ba o makikita ko kaagad. Mansyon na nga siguro ito eh.
"Ahmm ituturo ko na lang po sa inyo Mahal na Reyna." Napatingin naman ako sa katulong na kausap ko at nagtataka kung bakit nya ako tinawag na Reyna, first of all I'm not part of the Royalty Family, Dad is a businessman and about my mom she is the owner of her own flowers shop. That's why imposible na maging Reyna ako, kaya nagtataka ako kung bakit ako tinatawag nitong Reyna.
"Ahmm... I'm not a queen and I'm not part of the Royalty Family, so who's that the person you heard to call me a queen?" I asked.
"Si King Dark na po ang magsasabi tungkol diyan Mahal na Reyna wala ako sa pwesto ko para sagutin iyan." Sabay itong yumuko at itinuro na sakin yung daan. Hindi ko na lang ito pinansin siguro nga tama ang katulong na dapat si Dark ang tanongin ko nito dahil asawa ko naman ito. Kahit na naguguluhan pilit kong sinantabi muna yun.
Nang marating na namin ang kusina agad kong nakita ang matipuno na likod ng isang lalaki at alam ko kung sino ito kahit na nakatalikod pa ang asawa ko, hindi ko maiwasang mapangiti dahil marunong pala itong magluto...good husband....
"Good morning Dark." Tawag pansin ko dito at agad naman itong humarap sa akin at nginitian lang ako at bumalik na agad sa pagluluto.
Tsk! Hindi man lang ako binati ng pabalik wala man lang 'heyy baby good morning too' *Wala man lang ganun tsk! Nakakabwesit naman ang aga-aga eh. Padabog akong umupo at nakasimangot na nakatingin sa likod nya, mukha itong busy sa niluluto nya.
Hayss, nakakainis naman.
Ahmm, magtitimpla muna ako ng kape tutal busy naman ang mokong eh hehehe..Habang nagtitimpla ako ng kape nagulat naman ako ng may yumakap sa likod ko at alam ko na si Dark yun, kaya hindi ko ito pinansin nakakainis sya eh wala man lang pakiramdam, hindi man lang marunong bumati ng pabalik! Wala syang puso! ayy wait kung wala syang puso pano sya mabubuhay. Hayys, utak naman paganahin mo Fryell hayss.
"Heyy baby good morning too, how's your sleep?" Napangiti naman ako sa tanong nito hehehe. Ohhh sige na marupok na ako hehehe bati na kami nilalambing na ako eh hehehe akala ko wala ng bati na magaganap eh mauupakan ko na sana toh hehehehe..
"Ahmm okay naman, ikaw ba?" Pabalik kong tanong dito. Nakayakap pa din ito sakin at inaamoy ang buhok ko, hindi ko naman maiwasang kiligin, ewan ko ba bakit ang bilis nitong makuha ang loob ko, sweet kasi ito at maalaga pa, kung hindi ko lang iisipin na medyo may pagkapangit ang ugali nito baka masasabi kong napaka perfect man na nito.
"Well it's good too, coz I'm sleeping with you baby, and that's good for me." Sabay kindat nitong sabi sakin dahil ang mukha nito ay nasa gilid lang ng mukha ko kaya nakikita ko ang pagkindat nito... heheheh, parang inaakit ako ng asawa ko ah hehehe patulan ko nga hahahaha.
"Me too, I'm feeling better when I sleep with you." Ngiting sabi ko dito at ang loko tumalikod lang sa akin kaya naman lalo akong natawa dahil sa ginawa nito alam kong kinikilig ito hahahaha.
"Stop laughing baby!" Sabi nito habang nakatalikod, hindi ko pa din mapigilan ang matawa kasi ngayon lang ako nakakita ng lalaki na kinikilig hahaha, ang akala ko babae lang ang nagkakaganun pati pala mga lalaki at ang saya ko at nagagawa kong pakiligin ang asawa ko.