*Fryell POV*
Nandidito na kaming tatlo sa loob ng hotel nakapag check in na din kami ng isang Gabi,natawagan kona din si Dark.
Birthday na bukas ng anak ko Kaya kailangan maaga kaming uuwi nila Mich.
"Ano ba Maria!,hindi naman ganyan magluto ng adobong manok eh!"napatingin Naman ako sa kinaruroonan nila Mich at nagluluto ang dalawa sa kusina habang ako ay nag hahanda ng pagkain sa lamesa..
"Wag ka ngang mangialam sa luto ko Mich!"
Kumunot naman ang noo ko dahil sa itinawag ni Maria kay Mich,ganto kasi ito kapag galit na talaga walang halong lambing ang pagtawag nya sa pangalan.Iiling-iling na naglakad ako palapit sa mga ito.
"Pwede ba wag kayong maingay,nakakarindi sa tainga eh."reklamo ko sa mga ito.
"Tingnan mo naman kasi luto nya baby Fry!..may adobo bang nilalagyan ng ketchup!?,,diba toyo yun!?"
Napatingin naman ako sa niluto ni Maria at ganun nga ang nakalagay.Takang tumingin ako kay Maria na ngayon ay nagkakamot na ng ulo.
Napahawak naman ako sa tiyan ko ng bigla itong sumakit."Ah!!"sigaw ko.
Agad naman nagsilapitan ang dalawa."Owhh my goshh!!..are you okay baby Fry?"halata ang pag-aalala sa Boses nito.
Inilayan nila akong dalawa paupo sa isang upuan..
"I'm sorry Elleybell, kasalanan ko.Masyado akong pasaway ngayong araw na toh..Gusto ko lang talaga yung ginawa kong luto,I don't know why, forgive me."maluha luha nito sabi.
Nakahawak pa din ako sa tiyan ko at nararamdaman Kong medyo okay na Ito.Nginitian ko si Maria at tumango dito.
"I know you are pregnant Maria,kasi ganyan din ako nung pinagbubuntis ko si Dryell."
Biglang nag-iba naman ng direksyon ang mata nito."Sorry kung tinago ko sa inyo,natatakot kasi ako na baka hindi to matanggap ni Marco."malungkot na paliwanag nya.
"No,Hindi ganun si Marco.Sigurado akong magiging masaya sya kapag nalaman nya Ito."nakangiti ko pa ding sabi.
Bigla namang nagliwanag ang mukha nito at tumingin na ito sakin."Sige Elleybell sa date namin ni Marco sasabihin kona sa kanya."
"Tama yan Maria."Sabi ko dito.
"Kaya naman pala napaka moody hayy nakuu!!"
Sabay na napatawa naman kami sa sinabi ni Mich."MAG BUNTIS KANA DIN KASI HAHAHA!!!"sabay naming dalawa na pang-aasar kay Mich.
Bumusangot naman ito.
"Hayss baog ata si Jacob."
Napatawa naman kami sa sinabi ni Mich."Pa check up muna hahaha!!"asar naman ni Maria.
Lalong humaba ang nguso ni Mich sa pang aasar ni Maria.
"Oo na,edi kayo na!!..makaluto na nga Lang!"
Sabay walk out nito at Nagluto na nga ang baliw hahaha!."Masyadong maselan ang pagbubuntis mo Elleybell."
Napatingin naman ako kay Maria."Oo nga,Ang bilis kong mapagod at parang madalas sumasakit ang tiyan ko."
Nagpatango-tango naman ito."Nagpa check up kana ba?"tanong nito sakin.
"Nope, maybe tomorrow samahan nyo ko ni Mich bago tayo magsimula sa decorations sa birthday party ni Dryell."
"Game kami dyan!!"tili nito at iniwan na ako nito at Nagluto na.
Napabuntong-hininga na lang ako at napahawak sa tiyan ko.
Tatayo na sana ako ng biglang sumakit ang ulo ko.
Napahawak ako dito at pinigilan na hindi dumaing para hindi makaagaw pansin sa mga kaibigan ko.