*Fryell POV*
"Mommy!!"ibinaba ko Naman Ang mug na hawak ko at hinarap Ang baby girl ko.
Tumakbo Ito palapit sakin.
"Heyy baby!..diba I told you na don't run."napakamot Naman Ito sa ulo,napangiti Naman ako sa ginawa Ng anak ko,siguro Namana nito Ang pagkakamot sa ulo sa mga Tito nya.
Napailing ako na kinarga si Dryell at pinaupo ko ito sa hita ko.
"Good morning po mommy!"matinis Ang Boses na Sabi nito.
Hinaplos ko Ang buhok nito at hinalikan."Good morning din baby."balik na bati ko dito.
"Mommy kailan ko po makikita si Daddy?"maayos na magsalita si Dryell sa edad na tatlong taon,Hindi ko Alam Kung saan nya Namana Ang katalinohan nito,pero nasisiguro ko na nakuha nya Ang katalinohan nya sa kanyang ama.
Napabuntong-hininga Naman ako sa tanong Ng anak ko.
"I don't know baby,Hindi pa handa si mommy eh."mahinahon Kong Sabi ko dito,napasimangot Naman Ito.
"I want to meet my daddy,mommy,I want to hug him."kitang Kita sa mga Mata Ng anak ko Ang kagustuhan nito na makasama Ang kanyang ama.
Pero Hindi pa ako handa."Hayaan mo baby makikita mo din Ang daddy mo soon"mas Lalo Namang sumimangot Ang anak ko.
"Lagi na Lang mommy,you always say that to me,at lagi na Lang akong nag-aantay."nakaramdam Naman ako Ng kirot sa puso Ng marinig ko Ang hinanaing Ng anak ko.
"Baby---"
"Heyy the two beautiful lady in my Life!!"naputol Naman Ang sasabihin ko sa anak ko Ng tawagin kami ni Alexius.
"Bakit?"tanong ko dito, nagkibit-balikat naman Ito.
Sinamaan ko Ito Ng tingin tatawag tawag sakin tapos Wala din palang sasabihin."Gusto mo Ng sapak,Alexius!?"inis na Sabi ko dito,napangisi Naman Ito at umupo sa isang upuan na malapit samin Ng anak ko.
"May isang Tao sa labas Ng gate na gustong Makita ka."seryoso na itong nakatingin sakin at bumaling sa anak ko.
Kinutuban Naman ako,tumayo ako para makapag usap kami ni Alexius na kami Lang Ang magkakarinigan."Baby usap Lang muna kami Ng Tito mo ha."paalam ko sa anak ko.
"Yes Mommy,eat ko muna po itong food na prepared mo po sakin."napangiti Naman ako sa sinabi Ng anak ko,sa tatlong taon na naging magulo Ang buhay ko Ang tanging anak ko Lang Ang pinagkukunan ko Ng lakas.
Tumingin Naman ako Kay Alexius at sininyasan Ito na mag usap Ng kami Kang dalawa.
Nang medyo malayo na kami sa kinaruroonan ni Dryell at hinarap ko si Alexius.
"Ano ulit Sabi mo?"kinakabahan pa din ako, Sana ay Hindi sya Ang nasa labas Ng mansyon ni Alexius.
"Bingi Lang Ang peg mo Fryell."napangiwi Naman Ito,pina-meywangan ko Naman Ito.
Tinatanong Ng maayos tapos sasabihan akong bingi,mukha ba akong bingi!?"Gusto mong mabuhay Ng matagal Alexius!?"nakataas na Ang kilay ko at matalim na nakatingin dito.
"Kasi Kung hindi,ibabaon na Kita mismong sa lupa na kinatatayuan mo ngayon!"
Itinaas Naman nito Ang dalawang kamay na parang susuko na."Easy Fryell,I'm was kidding okay,so Ito na nga,Yung beloved mo Lang Naman Ang nasa labas."Ang lakas Naman Ng tibok Ng puso ko sa tinutukoy nito.
Bakit Ito narito!?Walang Sabi Sabi ay iniwan ko Ang baliw na iyun at pumunta sa gate,mabilis Ang bawat lakad ko at Panay Ang saway ko sa puso ko.
Hindi Kona dapat Ito maramdaman pa!...
Kung nandidito man Ang lalaking Yun pwes ipapakita ko sa kanya Kung sino Ang babaing hinahabol nya.
Hindi na ako Ang dati nyang asawa..patay na Yun!!!..matagal Ng patay!